
Kilala nyo ba kung sino ang action star na nakatikim ng pagkatalo sa kanyang unang sabak sa eleksiyon dahil sa pagkakamali na hindi naiparehistro ang pangalan na ginagamit niya sa pelikula. May 1987 elections nang sumabak bilang independent candidate sa Senado si dating Sen Ramon Revilla Sr. Ngunit natalo siya dahil hindi kasamang binilang ng Commission on Elections (Comelec) ang mga boto na nakasulat sa kanyang âscreen name" o pangalan sa pelikula na Ramon Revilla Sr. Sa halip, ang ipinalista ni Revilla sa Comelec at siya lamang bilang na boto ay ang kanyang tunay na pangalan na âRamon Bautista Sr." Kaya sa 24 na senador na kailangang iboto noong 1987, lumagpak si Revilla sa pang-33 puwesto na nakakuha lamang ng mahigit na 5 milyong boto. Pero naging leksiyon kay Revilla ang naging karanasan noong 1987. Nang dumating ang 1992 elections, muling sumabak ang aktor sa eleksiyon bilang senador. Ngunit bukod sa ipinarehistro na niya ang screen name na âRamon âAgimatâ Revilla Sr., tumakbo pa siya sa ilalim ng isang malaking partido noon na Laban ng Demokratikong Pilipino. Sa naging resulta ng 1992 elections, pumuwesto si Revilla sa pangalang kandidato na nakakuha ng pinakamaraming boto (mahigit 8 milyon). Kasunod siya ng kapwa aktor na si dating Sen Tito Sotto na may mahigit 11 milyong boto. Ang panalong iyon ni Revilla Sr ay nagbigay-daan sa kanya para maupo ng anim na taon sa Senado para sa kanyang unang termino. Humirit ng ikalawang termino si Revilla noong 1998 elections at nagtapos ang kanyang panunungkulan bilang senador noong 2004. -
Fidel Jimenez, GMANews.TV