ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Video ng 3 kabataan na tila tino-torture pinaimbestigahan ni Verzosa
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Iniutos ni Philippine National Police (PNP) chief Jesus Verzosa na imbestigahan ang video na kumalat sa Internet na nagpapakita ng tatlong duguang kabataan na inuutusang maghalikan habang nakaposas ang mga kamay. Sa panayam ng GMANews.TV nitong Huwebes, sinabi ni PNP spokesperson Chief Supt. Leonardo Espina, na kaagad nagpalabas ng direktiba si Verzosa sa Criminal Investigation and Detection Unit at Public Information Office na alamin kung sino ang mga taong nag-uutos sa mga âbiktima" sa video. Sa video, maririnig ang boses ng ilang lalaki na nag-uutos sa mga kabataan na maghalikan at nagbabanta na sasaktan sila kapag hindi sumunod sa utos. âWhen we got hold of this video, General Verzosa ordered an immediate investigation and charge the responsible and culpable malefactors," pahayag ni Espina. Sa video, makikita ang tatlong kabataan habang nakaupo sa sahig. Sa isang bahagi ng video ay maririnig ang boses ng lalaki at nagtanong na, "Ikaw, nakapatay ka 'no?" Dalawa sa tatlong kabataan ang inutusan na maghalikan at pinagbantaan na sasaktan kapag hindi sumunod sa kagustuhan ng nag-uutos. "Ganyan ba napapanuod ninyo sa CD? Gusto ko yung parang napapanuod niyo sa CD," ayon sa boses sa video.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Alamin kung pulis Ayon kay Espina, nais malaman ni Verzosa kung pulis ang mga taong nag-uutos sa mga kabataan, at kung nakapiit sa police station ang mga âbiktima." âHe wanted to know what [police] unit, but regardless of whether these were policemen or not, the PNP can investigate motu proprio," idinagdag niya. Nilinaw ni Espina na hindi pa personal na napapanood ni Verzosa ang video pero naipaalam na ito ng kanilang tauhan na nakakita sa video. Inihayag din ng opisyal na malinaw na nalabag ang karapatan ng mga kabataan sa naturang video. âThere was physical, mental, and emotional torture. We will press charges of physical injuries, violation of the Anti-Torture Law, maltreatment of prisoners against them [abusers]," ayon kay Espina na humingi ng tulong sa media at publiko para malaman kung sino ang mga taong nasa likod ng naturang video. Samantala, sinisikap pa ng GMANews.TV na makuha ang panig ni Commission on Human Rights chair Leila de Lima tungkol sa nasabing video. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular