ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pacquiao magreretiro na pagkatapos ng laban sa Nobyembre


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nais ni boxing champ Manny Pacquiao na maalala siya ng mga tao bilang simpleng “Manny Pacquiao" kapag nagretiro siya matapos ang laban niya sa Nobyembre 13 ngayong taon. Tila handa nang magretiro sa mundo ng boksing si Pacquiao, na may hawak ngayong pitong world division titles, kaharapin man niya o hindi ang walang-talo na si Floyd Mayweather Jr. sa Nobyembre. "I don’t want to retire as a washed-up boxer. At the back of my mind, I've already contemplated on retirement as early as last year," ani Pacquiao. "I don’t want to retire from the sport at a time when I'm feeling pains on my body. Asahan ding daragdag ang titulong “The Fighting Congressman from the Philippines," na binuo ng kapwa sikat na announcer na si Michael Buffer, sa humahabang listahan ng mga palayaw ni Pacquiao. Ito’y matapos ipanalo ng People’s Champ ang pagtakbo bilang kinatawan sa Kamara para sa tanging distrito ng Sarangani, ang probinsya ng asawa niyang si Jinkee. At tila si Pacquiao na rin nga ang bagong “Lord of the Political Ring" sa Sarangani, matapos niya maging kauna-unahang propesyunal na boksingero na nailuklok sa pampublikong posisyon. Inilampaso ng boxing icon ang katunggaling mula sa pamilya Chiongbian na matagal nang naghahari sa probinsya. Pero wala pang katiyakan ang inaabang-abangang laban sa Nobyembre, dahil nakikipagtawaran pa si Bob Arum ng Top Rank kay Richard Schaefer, ang katapat niya sa Golden Boy promotions. Patuloy ngayon ang pag-aayos sa labang Pacquiao-Mayweather, na tinatanaw bilang pinakamalaking laban mula noong magharap sina Muhammad Ali at Joe Fraizer 40 taon na ang nakalilipas. "I haven't talked yet to Bob. He's the one negotiating with Mayweather's camp," ayon kay Pacquiao. "But I'm sure he's doing everything to make the fight to happen. Everyone wants to see this fight." Ani Pacquiao, hindi na problema ngayon ang usapin sa blood test. Nagkasundo na ang dalawang kampo sa mga kondisyon, kahit may ilan pang detalyeng inaayos, gaya ng hatian sa kikitain sa laban. Tumanggi namang magbigay ng detalye si Pacquiao ukol dito. Bago payagan ni Pacquiao si Bob Arum na makipagtawaran sa kampo ni Mayweather, may isa pang sabit na kinailangan niyang ayusin. Ito ay ang pagkumbinsi sa inang si Mommy Dionisia, na naunang nagpasabi na nais na niyang magretiro ang anak. Handa umanong mag-gatecrash ang ina sa kanyang mga laban kung hindi magreretiro si Pacquiao sa boksing. Pero si Mommy D., na sumikat na rin kasabay ng kampeong anak, ay napapayag naman na payagan ang anak na muling sumampa sa ring sa huling pagkakataon. Inihayag ito ng ina noong May 15, sa kanyang kaarawan. Malamang, napagtanto ni Mommy D. na wala nang naiwang pinakamagandang laban para sa anak kundi ang makipagharap kay Mayweather, na kamakailan lang ay tumalo kay “Sugar" Shane Mosley. "My mom doesn't want me to fight anymore. But I convinced her, to give me one last fight. (After that) I'm already thinking about retirement," ani Pacquiao, na nagpahayag ding nais niyang maganap ang kanyang huling laban alinman sa dalawa: sa Dallas Cowboy Stadium muli, o sa MGM Grand sa Las Vegas.—JMA/JV, GMANews.TV