ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
'Di lang 'sex educ': ‘Porno’ sa Internet, pagdami ng motel pinuna ng CBCP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Kasabay ng pagtutol sa sex education, pinuna ng isang opisyal ng Simbahang Katoliko ang kawalan umano ng aksiyon ng pamahalaan sa pagdami ng mga motel at pornograpiya sa Internet na madaling makita ng mga kabataan. Ayon kay Fr Conegondo Garganta, Executive Secretary ng Commission on Youth ng Catholic Bishopsâ Conference of the Philippines, kailangang pag-aralang munang mabuti ng Department of Education (DepEd) ang naturang plano sa sex education. Sa panayam ng Radio Veritas nitong Miyerkules, iminungkahi ni Garganta na dapat kunsultahan ng DepEd ang mga grupong makapagbibigay ng mahusay rekomendasyon tungkol sa magiging reaksiyon ng mga kabataan tungkol sa sex education. âKailangan tiyakin din natin na matatanggap ng ganitong uri ng pagtuturo o paghubog ay may kahandaan ng kabukasan, na magiging responsable sa mga bagay na kanilang maririnig at makikita. Ito yung isa sa mabigat na kailangan nating hanapin sa kakayahan ng ating mga kabataan o mag-aaral," ayon kay Garganta. Iginiit niya na dapat malaman kung ano ang magiging laman ng modules na gagamitin ng DepEd bilang gabay ng mga guro sa kanilang ituturo sa mga kabataan tungkol sa âsex." Una rito, inihayag ni DepEd Secretary Mona Valisno na desidido siyang ipatupad sa darating na pasukan ng klase ang sex education sa mga mag-aaral sa Grade 5 (elementary) hanggang sa high school upang mapigilan umano ang pagdami ng mga kabataang nabubuntis at nagkakaroon ng mga sex-related diseases. Nakahanda naman umano si Valisno na makipag-usap sa CBCP at education stakeholders para sa ipatutupad na programa ng DepEd. Ngunit para sa CBCP, ang pamilya pa rin ang higit na nasa tamang posisyon upang magturo sa kabataan tungkol sa usapin ng âsex."
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Garganta, dapat na unang maihanda ang mga magulang sa paggabay sa kanilang mga anak pagdating sa sensitibong paksa na hindi umano madalas na pinag-uusapan sa tahanan. âKung hindi handa at nahu-hook din ng pamilya, paanong lilinangin pa itong maririnig nila sa paaralan kung walang tulong na makukuha sa pamilya," ayon kay Garganta. âKaya dapat magkasabay ito na binibigyan ng tiis hindi dapat mangyari na merong sex education sa eskwelahan pagdating sa tahanan merong magulang na haharapin na pag-usapan âyan, (at meron namang) hindi dapat sabihin âyan dito, naku mahirap âyan," idinagdag niya. Kahit hindi ituro ang sex education, sinabi ng alagad ng Simbahan na patuloy na magiging mapusok ng ilang kabataan dahil na rin sa kapabayaan ng ilang opisyal sa pamahalaan, at maging sa lokal na antas. Kabilang sa mga dapat umanong unahin at dapat bigyan pansin ng gobyerno ay ang madaling paggamit ng kabataan sa Internet at nakakapanood ng mga pornographic videos. Pinuna rin niya ang pagsulputan ng mga motel na pinapayagan ng mga lokal na opisyal. Dahil maluwag ang patakaran, ang mga naturang establisimyento ay nagagamit na lugar para magsiping ang magpares kahit hindi naman mag-asawa. - GMANews.TV

Tags: sexeducation, pornography
More Videos
Most Popular