ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Cha-cha inilarga ng mag-inang Arroyo sa Kamara
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Sa pagsisimula ng kanyang trabaho bilang mambabatas, inihain ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Kamara de Representates ang resolusyon na naglalayong amyendahan ang Saligang Batas. Nakapaloob sa House Resolution No.8 na inihain ni Gng Arroyo, kinatawan ng ika-2 distrito ng Pampanga, na baguhin ang laman ng 1986 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-Con). Nagsilbing co-author sa resolusyon ang anak ni Gng Arroyo na si Camarines Sur Rep. Diosdado âDato" Arroyo. Nitong Huwebes ang unang araw sa paghahain ng mga panukalang batas at resolusyon para sa papasok na ika-15 Kongreso. âNow, therefore, be it resolved, by the Congress of the Philippines with a vote of two â thirds of all its members to call for a Constitutional Convention for the purpose of proposing amendments to or revision of the 1987 Constitution," nakasaad sa HR No.8.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âResolved, further, that any other details relating to the specific apportionment of delegates, election of delegates and the holding of the Constitutional Convention shall be embodied in an implementing legislation to be enacted by Congress," idinagdag sa resolusyon. Sa katatapos na 14th Congress, ilang pagtatangka ang ginawa ng mga kaalyado ni Gng Arroyo sa Kamara na baguhin ang Saligang Batas sa paraan ng Constituent Assembly (Con-Ass). Ngunit hindi umusad ang plano dahil sa hinala ng oposisyon at mga kritiko ng administrasyon na gagamitin lamang ang Cha-cha upang palawigin ang kanyang termino bilang pangulo. Sa HR No. 8, ipinaliwanag na kailangang baguhin ang Saligang Batas upang makasabay ito sa pangangailangan ng mamamayan alinsunod sa pagbabago ng panahon. âWhereas, a Constitution must be living and active, able to provide direction and effectively respond to prevalent conditions obtaining at various points in the life of a nation and its people," nakasaad sa resolusyon. âWhereas, the 22 â year old 1987 Philippine Constitution contains certain provisions which have outlived their purpose and need to be revisited to institute much needed socio-economic and political reforms," idinagdag pa sa HR No. 8. Bagaman mas magastos, naniniwala ang mga Arroyo na ang sistemang Con-Con ang higit na mabisang paraan para amyendahan ang Saligang Batas dahil hindi ito magdudulot ng matinding pagkakahati ng mga Pilipino kumpara sa sistema ng Con-Ass. Sa sistema ng Con-con, magkakaroon ng eleksiyon para ihalal ang mga delegado na siyang mag-aaral kung ano ang mga probisyon na dapat baguhin sa Saligang Batas. Samantala, ang mga kongresista at senador naman ang mangangasiwa sa pagrebisa ng Konstitusyon kung ang gagamiting sistema ay Con-Ass. âCon-con is the least divisive and the most transparent, exhaustive and democratic means of implementing constitutional reforms among the three modes of amending the Constitution as provided for under Article XVII, Sections 1 and 2, of the 1987 Constitution," paliwanag nila. Kabilang sa mga mambabatas na nagsulong ng Con-con sa nagdaang Kongreso ay si Quezon Rep. Lorenzo âErin" Tanada III, na kapartido ngayon sa Liberal Party ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III. - GMANews.TV

More Videos
Most Popular