We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sinimulan ng grupong Migrante ang pangangalap ng lagda ng mga Pinoy na nasa bansang ito para maipakita ng mga overseas Filipino workers (OFWs) ang pagtutol sa mataas umanong singil sa e-passport ng Department of Foreign Affairs. Hangad umano ng grupo na makakalap ng 100,000 lagda o 20 porsiyento ng tinatayang 500,000 Pilipino na nasa UAE. Bukod sa pagkontra sa mataas na singil sa e-passport, nais din nilang paimbestigahan si DFA Sec. Alberto Romulo dahil sa pinasok na kontrata sa pagpapagawa ng pasaporte.
Isa si Inshira Hadji Taob, pangkalahatang-kalihim ng Bangsa Moro Labor Organization, sa mga pumirma sa petisyon na inilunsad ng Migrante-UAE kontra sa mataas na presyo ng e-passport sa Karama, Dubai, UAE.
Nag-iikot ang mga kasapi ng Migrante sa mga bahay, industrial area, restaurant, entertainment center, mall, simbahan at iba pang lugar na may malaking konsentrasyon ng mga Pinoy para ipaliwanag ang usapin at mangalap ng pirma. âDagdag pabigat lalo na ngayong panahon ng krisis ang mataas na singil sa e-passport. Hindi ito makatuwiran dahil pilit na ipinapasa sa mga mamamayan ang gastusing dapat lamang na karguhin ng gobyerno," nakasaad sa petisyon ng Migrante. Kinuwestiyon din ng naturang grupo kung bakit kailangang magtaas ng singil para sa e-passport kahit may nakalaan na umanong pondo ang gobyerno para rito. Ayon sa grupo, batay sa pambansang budget ngayong 2010, naglaan ang gobyerno ng P1.4 bilyon sa DFA para sa implementasyon ng proyektong e-passport. Labas pa sa P530 milyong inutang umano ng kagawaran sa Development Bank of the Philippines para sa pagpapagawa ng bagong gusali at mga pasilidad sa Mall of Asia para proyektong ito. Sinabi ni Yuri Cipriano, tagapangulo ng Migrante-UAE, kuwestiyonable rin ang magkakaibang presyo ng e-passport sa 82 embahada at konsulado ng Pilipinas sa buong mundo. Mas mataas umano ang singil sa mga bansang may malaking bilang ng mga OFW katulad sa US, UAE at Hongkong. Umaabot sa P3,000 (240 dirhams) ang singil ng bagong e-passport sa UAE, mas mataas ng P2,050 (164 dirhams) sa Php950 (76 dirhams) presyo nito kung kukunin sa Pilipinas. Samantala, umabot naman sa P5,000 (400 dirhams) ang presyo ng e-passport sa US. Nanawagan si Cipriano na ipaliwanag ng DFA at RP Ambassador Grace Relucio-Princesa kung ano dahilan sa mataas at magkakaibang presyo ng e-passport. âKailangan magkaroon ng transparency sa presyo kung hindi malinaw na isa lang e-kotong ang e-passport," pahayag niya. Hinamon din ni Cipriano ang bagong administrasyong Aquino na patunayang na seryoso ito sa kanyang pangako na kontra siya sa katiwalian sa gobyerno at paimbestigahan ang usapin sa presyo ng e-passport. - Angel L. Tesorero, GMANews.TV