ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Carlo Caparas kinasuhan ng tax evasion ng BIR


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Inireklamo sa Department of Justice (DOJ) ng Bureau of Internal Revenue (BIR) nitong Huwebes ang film director at comics writer na si Carlo J. Caparas dahil sa hindi umano pagbabayad ng buwis. Ayon sa BIR, umabot sa P540 milyon ang hindi binayarang buwis ni Caparas mula 2006 hanggang 2009. Batay umano sa ginawang pagsisiyasat ng BIR, nakatanggap si Caparas ng P850 milyon na bayad sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa pagdidirek at produksiyon sa programa sa telebisyon ng ahensiya. Ngunit hindi umano idineklara ni Caparas sa kanyang income tax return ang naturang kita at hindi rin nagbayad ng buwis kaugnay nito. Inimbestigahan ng BIR ang binabayarang buwis ni Caparas matapos lumabas ang ulat na kinansela ng PCSO ang dalawang programa nito sa ahensiya na bahagi ng P1.2 bilyong kontrata.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Sinubukan ng GMANews.TV na makuha ang panig ni Caparas ngunit nabigo. Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang asawa niyang si Donna Villa. Bukod sa pagiging manunulat sa comics, sumikat si Caparas sa paggawa ng pelikula na may tema ng masaker kung saan kabilang sa kanyang mga bida ay si Kris Aquino. Naging kontrobersiyal noong 2009 ang paghirang ni dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo kay Caparas bilang national artist kahit hindi umano kasama sa listahan na inirekomenda sa naturang parangal. (Basahin: Pagpili ni Arroyo sa national artists kinuwestiyon) Ang protesta laban sa pagkakabilang ni Caparas bilang pambansang alagad ng sining ay umabot sa Korte Suprema na nagpalabas ng kautusan na pumigil sa pagkilala sa lahat ng pitong nominado bilang national artist. Bukod sa medalya at pagkilala, tumatanggap ng iba pang benepisyo mula sa pamahalaan ang mga nahihirang na national artist. – GMANews.TV
Tags: carlocaparas