ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
DOLE: ‘No work, no pay’ sa Nov. 1; Malacañang: Nov 2 may pasok talaga
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ipinaalala ng Department of Labor na walang sahod ang mga manggagawa na hindi papasok sa kanilang trabaho sa Nobyembre 1 dahil idineklara itong âspecial non-working holiday." Kasabay nito, nanindigan ang Malacañang na panatilihing regular na araw ang Nob. 2. Ito ay sa kabila ng mga kahilingan na isama ang naturang araw sa listahan ng mga holiday upang hindi magpadali sa pag-uwi ang mga magtutungo sa lalawigan sa araw ng Undas. Sa ipinalabas na pahayag ng DOLE nitong Biyernes, sinabi ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz na umiiral ang patakaran na âno work, no pay" sa Undas o All Saintsâ Day. âSuring this special (non-working) holiday, the principle of âno work, no payâ applies, and as premised on this principle and by the law, workers not required or permitted to work on this day are not entitled to any compensation," paliwanag ng kalihim. Gayunman, sinabi ni Baldoz na maaaring hindi pairalin ang âno work, no payâ principle, ang kumpanya ay mayroon kasunduan sa mga kawani nito sa ilalim ng kanilang collective bargaining agreement (CBA). Bukod dito, may karagdagang 30 porsiyento na dapat matanggap sa kanilang arawang sahod ang mga manggagawa na papasok sa special non-working holiday. Kung hihigit na sa itinakdang walong oras ang ipinasok ng kawani, dapat patungan ng panibagong 30 porsiyento ang sahod niya sa bawat oras. Kung âday-off" ng kawani sa Nob 1 pero pinapasok siya sa trabaho, dapat dagdagan ng 50 porsiyento ang kanyang arawang sahod, at 30 porsiyento naman sa bawat oras na sobrang ipinasok nito. Bukod sa Nov 1, ang dalawa pang permanent special holidays sa bansa ay ang Ninoy Aquino Day (August 21), at desperas ng Bagong Taon (December 31). Samantala, inihayag ng tagapagsalita ng Malacañang na hindi nagbabago ang desisyon ng pamahalaan na ideklarang regular day ang November 2 (All Souls' Day). "Alam ko may mga nag-aappeal din pero as far as we're concerned wala pong advise satin so it stays," ayon kay Deputy presidential spokesperson Abigail Valte. "We have Saturday (October 30), Sunday, and Monday to visit our loved ones and to say our prayers for them," aniya. "We think naman that there is sufficient time also to observe our traditions without being limited by time." - GMANews.TV
More Videos
Most Popular