ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Libingan sa gitna ng kalsada


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Alam niyo ba na maylibingan sa Bacolod City na nasa gitna ng kalsada at isa sa mga pangunahing atraksiyon sa nabanggit na lungsod sa lalawigan ng Negros Occidental. Sa mga nakakita, palaisipan sa kanila kung bakit nasa gitna ng kalye Lopez Jaena at panulukan ng Burgos Avenue ang pribadong libingan ng pamilya de Luzuriaga. Dahil sa lokasyon ng libingan, sinasabing nakatala ito sa Guinness World Records bilang tanging sementeryo sa mundo na nasa panulukan ng dalawang highway. Ang may-ari ng libingan na pamilya Ruiz de Luzuriaga ay kilalang angkan sa lalawigan ng Negros. Sinasabing ang unang miyembro ng angkan na dumating dito noong 1840 ay si Don Eusebio Ruiz de Luzuriaga mula sa Espana. Ang kanyang anak na si Jose Ruiz de Luzuriaga ay naging kilala naman sa larangan ng pulitika at maging sa pagnenegosyo. Sa lawak ng pag-aaari nilang lupain, ipinamahagi ng pamilya ang kanilang mga lupa maging sa lokal na pamahalaan. Sinabing ang lupa na kinatatayuan ng munisipyo ng Bacolod City ay dating bahagi ng hacienda ng mga de Luzuriaga. Maging ang kalsada na kinaroroonan ng Familia Luzuriaga Cemetery ay pag-aari din nila at ibinigay nila ang lupa sa kondisyon na hindi aalisin ang naturang libingan. - FRJimenez, GMANews.TV

Tags: pinoytrivia