ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kritisismo na pabago-bago ng desisyon si PNoy wala raw basehan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Wala umanong basehan ang mga espekulasyon na pabago-bago ng isip o may nagdidikta sa paggawa ng desisyon ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III tungkol sa kanyang Gabinete. Iginiit nitong Sabado ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na walang direktang naging pahayag si Aquino na papalitan niya si Jesse Robredo, acting secretary ng Department of Interior and Local Government (DILG). âThere is no need to go into speculation that someone is making decisions for him, the president makes his own decisions," pahayag ni Valte sa panayam ng dzRB radio. Nagkaroon ng mga hinala na hindi si Aquino ang nagpapasya sa usapin ng mga miyembro ng kanyang Gabinete bunga ng isang panayam ng pangulo sa telebisyon noong Huwebes kunsaan ay nagpahiwatig siya na magkakaroon ng pagbabago sa DILG. Bukod dito, sinabi ni Aquino na ipapalit niya ang isang kasapi sa partido (Liberal Party) kay Ramon Paje, na acting secretary ng Department of Environment and Natural Resources (DENR). Bagaman walang tinukoy na pangalan, pinapaniwalaan na si dating Bukidnon Rep. Juan Romeo Nereus âNeric" Acosta ang tinutukoy ni Aquino. (Basahin: PNoy masaya sa trabaho ng kanyang Gabinete) Si Acosta ay kasama sa senate ticket ng LP sa katatapos na May 2010 national elections pero natalo. Inaasahan na pinapalipas lang ni Aquino ang âone year ban" sa mga natalong kandidato bago ito italaga sa DENR. Ayon kay Valte, kaagad naman umanong nilinaw ni Aquino ang naging pahayag niya sa panayam sa telebisyon sa pamamagitan ng ipinadalang text message na nagsasaad na, "no plans of transferring (Robredo) anywhere." âAfter the entire thing [sa panayam noong Huwebes), people made conclusions on what the president said. [But] he did not make a conclusion," pagdiin ni Valte. â GMANews.TV
More Videos
Most Popular