ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lalaki na dinukot daw ng mga pulis sa Pasay, nakitang patay sa Pangasinan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN â Kinilala na ang bangkay ng lalaki na may mga tama ng bala sa katawan na nakita sa bayan ng Labrador, Pangasinan noong Disyembre 21, 2010. Dalawang lingo ring naging palaisipan sa pulisya ng Labrador ang katauhan ng biktima na may tama ng bala sa dibdib at ulo hanggang sa kilalanin ito ng kanyang mga kamag-anak. Ayon kay Labrador Police Chief Senior Inspector Rolando Quejado, kinilala ng mga kamag-anak ang biktima na si Andy Bryant Ngie, 28-anyos, school bus driver. Sinasabing dinukot sa Pasay City noong Dec 20 si Ngie ng mga pulis na mula naman sa Quezon City. Naiuwi na sa Manila ang mga labi ni Ngie at ipinaubaya na ng Labrador police sa mga awtoridad ng Pasay City ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa naturang kaso. Nauna nang pinabulaanan ng mga inaakusang pulis ng Quezon City ang paratang laban sa kanila. - Balitang Amianan
Tags: salvage, pangasinan
More Videos
Most Popular