ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Bangkay lumutang sa boating area ng Burnham Park; Panagbenga festival sinimulan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN â Pansamantalang naudlot ang pamamasyal ng mga tao sa Burnham Park sa Baguio city nitong umaga ng Martes nang may matagpuang lumulutang na bangkay ng isang lalaki sa boating area ng parke. Kaagad na naglagay ng kordon ang mga pulis sa lugar upang hindi makalapit ang mga tao. Hindi pa matukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan sa nasawi. Pero batay sa nakalap na impormasyon sa ilang residente doon, ang biktima ay dating taho vendor at malimit daw makitang gumagala sa parke na nakainom ng alak. Kasamang inaalam ng mga imbestigador kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng biktima dahil may nakitang mga sugat sa kanyang katawan. Flower festival Samantala, nakangiting mukha ng mga tao ang makikita sa unang araw ng pagdiriwang ng Panagbenga 2011 sa Baguio city nitong Martes. Sa muling pagsasara ng Session Road, matiyagang naghintay ang mga tao para masilayan makulay na ang opening parade. Makikitang pinaghandaan ng mga kalahok ang kanilang street dance. Todo-bigay rin ang mga batang sa kanilang pagsasayaw habang sinasabayan ang tugtugin ng Panagbenga hymn. Ang mga makukulay na bulaklak ay lalong nagpapaganda sa tradisyunal na kasuotan ng mga kalahok. Ayon sa executive committee ng Pangbenga, bagaman nangangapa pa, marami raw magandang pagbabago sa pagdiriwang ngayon ng flower festival. â Balitang Amianan
More Videos
Most Popular