ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
PNoy may pasaring uli kay Sen Bongbong
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang araw matapos ang paggunita sa ika-25 taong anibersaryo ng unang EDSA People Power revolt noong 1986, muling pinatamaan ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III nitong Sabado si Senador Ferdinand âBongbong" Marcos Jr. Sa kanyang talumpati sa awarding ceremonies ng Philippine Legion of Honor sa Malacañang, sinabi ni Aquino na baka katulad na ngayon ng Libya ang Pilipinas kung hindi naganap ang EDSA people power 1. . âWe were far from becoming another Singapore. Were it not for EDSA [People Power uprising], we probably could have become another Libya," ayon sa pangulo, sabay pagdiin na wala siyang balak na muling makipagbangayan sa pulitika sa mga Marcos. Nahaharap ngayon sa krisis ang pamahaan ng Libya dahil sa pag-aaklas ng mga mamamayan doon na nananawagan ng reporma sa kanilang gobyerno. Paliwanag ni Aquino, nais lamang niyang ituwid ang lahat tungkol sa posibleng nangyari sa bansa kung wala ang EDSA revolution batay sa kanyang sariling pananaw. Una rito, sinabi ni Marcos na posibleng katulad na ngayon ng maunlad na bansang Singapore ang Pilipinas kung hindi nangyari ang EDSA 1 revolt. Dahil sa people power noong 1986, napatalsik sa Malacanang ang ama ni Sen Marcos na si dating pangulong Ferdinand Sr. âMy father had done so much and helped so many. The country progressed under him. Had he not been ousted the Philippines would have become another Singapore," ayon sa nakababatang Marcos. Nang iwan ni Marcos Sr ang Malacanang, naluklok naman sa puwesto si dating pangulong Cory Aquino, ina ni PNoy. Ang mga Marcos ang pinaghihinalaan na nasa likod pagpatay sa ama ni PNoy na si dating Sen Benigno Jr., noong 1983. Pinatamaan din ni Aquino sa kanyang talumpati ang mga pumuna tungkol sa mga pangakong hindi natupad noong panahon ng EDSA revolt. âIt has recently become fashionable in some circles to talk about the unfulfilled promises of EDSA. Some have even dared to say that maybe one-man rule was not such a bad idea. Never mind the oppression and never mind the lack of liberties. By now some say we could already have become another Singapore. That some is just one," ayon sa pangulo. âIt is true that much remains to be resolved but at the same time, who could deny what we have already achieved? Are we not better off today than we were a generation ago? Have we not finally regained the respect of the global community as a beacon of democracy? Are we not on the way to becoming a more equitable society?" dagdag niya. Nitong Biyernes, sinabi ni Aquino na mahaba ang panahon ng administrasyon Marcos (20-taon sa kapangyarihan) na paunlarin ang Pilipinas ngunit hindi ito nagawa at sa halip ay nabaon sa utang ang Pilipinas. âSa kasamaang palad, ayaw man aminin ng ilan, hinddi nangyari sa nakalipas na dekada ang dalawang bagay na ito. May naging taksil sa kanilang katungkulan. May mga naglimas sa kaban ng bayan. Kaya naman todo kayod ang inyong pamahalaan sa pagpapatupad ng reporma upang matugunan ang pangangailangan ng taumbayan," pahayag ni Aquino sa kanyang talumpati nitong Biyernes. - GMA News
More Videos
Most Popular