ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Obispo tutol sa mungkahi na galawin ang e-VAT sa oil products
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nagpahayag ng pagtutol ang isang Obispo ng Simbahang Katoliko kaugnay sa mga mungkahi na galawin ang sinisingil na expanded Value Added Tax (eVAT) sa mga produktong petrolyo. Sa panayam ng Radyo Veritas nitong Biyernes, nagpahayag ng pangamba si Tagbilaran Bishop Leonardo Medroso, na maaapektuhan ang serbisyo ng gobyerno sa publiko kapag inalis ang 12-percent eVAT sa langis. âHindi maaaring tanggalin ang 12 percent eVAT sa langis kasi kailangan din gamitin âyan sa ibang bagay, sa ibang serbisyo ng gobyerno. Napakalaki ng tulong ng buwis sa pagpapaunlad ng serbisyo ng gobyerno sa mga mahihirap," paliwanag ng obispo. Una rito, iminungkahi ni Senador Ralph Recto na bawasan ang eVAT sa mga oil products o magkaloob ng subsidiya ang gobyerno para mabawasan ang pagtaas ng langis sa bansa. Si Recto ang nagsulong noon na itaas sa 12 percent mula sa dating 10 percent ang eVAT. Nais malaman ni Recto, chairman ngayon ng Senate committee on ways and means, kung handa ang pamahalaan na magsakripisyo sa harap ng pagtuloy na paglobo ng presyo ng mga produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado. Handa naman ang ilang senador na suportahan ang mungkahi ni Recto para sa interes ng mas nakararami. Ayon naman kay Medraso, kung bawasan man ang eVAT, maaaring hanggang apat na porsiyento lang ang aalisin pero hindi ang buong buwis nito. Idinagdag din ng Obispo na mas makabubuting gumawa ng paraan ang pamahalaan na madagdagan ang sahod ng mga manggagawa sa harap ng tumataas na presyo ng mga bilihin at gastusin. Ayon kay Medroso, malaking hamon sa mga pulitiko at opisyal ng gobyerno ang nagaganap ngayon na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at tumitinding kahirapan. âDapat noon pa ay gumawa na sila ng paraan kung papano tugunan ang tumataas na presyo ng mga bilihin. Sila dapat ang may responsabilidad nito dahil iniluklok sila ng taong bayan at sila ang may hawak ng resources. Kaya, sana gumawa sila ng mga paraan," aniya. - GMA News
More Videos
Most Popular