ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
May epekto sa Pinas ang mga krisis na nagaganap sa ibang bansa - Carandang
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng isang opisyal sa pamahalaan na mararamdaman sa Pilipinas ang epekto ng mga krisis sa ibang bansa tulad ng kalamidad sa Japan, at mga kaguluhan ilang bansa sa Middle East at North Africa. Sa panayam ng government-run dzRB radio, sinabi ni Secretary Ramon Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office, na maraming overseas Filipino workers (OFWs) ang maaaring nawalan ng trabaho dahil sa mga krisis at baka hindi sila kaagad makahanap ng kapalit na hanapbuhay. âI think weâre going to feel that impact very soon. Sa Libya we have about ... 25,000 Filipinos there, the Department of Foreign Affairs has managed to evacuate almost 90 percent of them. Hindi natin alam kung makahanap ng trabaho agad. Tingin ko maapektuhan ang ating remittances over the short term sa nangyari sa Libya. Kung gaano kalaki epekto mahirap sabihin," paliwanag ni Carandang nitong Linggo. Kabilang naman sa mga maitutulong umano ng pamahalaan sa mga apektadong Pinoy ay ihanap sila ng bagong trabaho dito sa Pilipinas, at maging sa ibang bansa. Pero may posibilidad din umano na maging âoverqualified" ang mga OFW sa iaalok na pamalit na trabaho. Baka mahirapan din umanong makamit ng Pilipinas ang tinatarget na 7 hanggang 8-percent gross domestic product ngayong 2011 dahil sa epekto ng kalamidad sa Japan at kaguluhan sa ilang bansa sa Middle East at North Africa kung saan marami ang OFWs. Ayon kay Carandang, tahimik pa noon sa Middle East at North Africa nang ihayag ni Finance Secretary Cesar Purisima ang pagtaya sa 7-8 percent GDP growth rate. Hindi rin umano inaasahan na may magaganap na matinding kalamidad sa Japan na tinamaan ng lindol at tsunami noong Marso 11, at ngayon ay nahaharap sa malaking problema ng nuclear meltdown. âNoong nilabas ang 7-8% growth economic target, hindi natin inasahan magkakagulo sa Middle East, hindi inaasahan ang quake, tsunami at nuclear crisis sa Japan. And definitely magkakaroon ng impact sa economy ang pangyayaring ito," dagdag ng kalihim. Sa kabila nito, wala naman umanong balak ang pamahalaan na baguhin ang growth target ngayong 2011. âAaminin ko mas challenging to attain that target given what recently happened pero targets pa rin natin âyan," pahayag ni Carandang. - GMA News
More Videos
Most Popular