ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mapanirang komento sa Internet, nais isama sa kasong libelo


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Nais ni Senador Manny Villar na isama sa maaaring kasuhan ng libelo ang mga maglalagay ng mapanirang komento sa mga tinatawag na “electronic media" at social networking sites katulad ng Facebook at Twitter. Sa Senate Bill No. 2668, nais ni Villar na amyendahan ang Article 335 ng Revised Penal Code upang maisama sa kasong libelo ang mga mapanirang komento na malalathala sa Internet. “The tremendous potential of the internet has proved to be unimaginable for the Philippines. It has bridged information gaps and has opened infinite possibilities to people located even in the remotest area in the country," paliwanag ng senador. Sinabi ni Villar na layunin ng SB 2668 o electronic libel or “e-libel," na mapanagot ang mga iresponsableng tao at magsasamantala sa modernong teknolohiya para makapanira ng kapwa. Sa kasalukuyan ay wala umanong malinaw na batas na nagtatakda na maaaring maparusahan sa kasong libelo ang mga inirereklamong naninira sa kanilang kapwa sa pamamagitan ng pagsusulat o pagkomento sa electronic media. “To remove any doubt in the interpretation of the laws and ensure that no tables are unturned, this measure is earnestly sought," paliwanag ng mambabatas. Sa ilalim ng panukala ni Villar, ang mga mahahatulang nakasala ng libelo dahil sa kanyang komento o inilagay sa Internet ay maaaring makulong ng mula anim na buwan hanggang anim na taon, at multang mula P200 hanggang P6,000. – GMA News