21 minerong natabunan ng lupa, maliit daw ang tiyansang makaligtas
Maliit na umano ang tiyansang makaligtas pa ang 21 minero na natabunan ng lupa sa Compostela Valley, ayon mismo kay Governor Arturo Uy. Sa panayam ng GMA News TV Balitanghali, sinabi ni Uy na isang bangkay pa ang nakuha at siyam naman ang sugatan na dinala sa ospital. Lubha umanong marami ang tumabon na lupa sa mga nawawala kaya maliit na ang tiyansang makuha pa sila ng buhay. Gayunman, sinabi ni Uy na patuloy ang isinasagawang search and rescue operation sa lugar sa pag-asang may makukuha pa silang buhay sa mga nawawalang minero.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV "Parang wala e dahil napakalaking volume ng lupa ang gumuho talaga," tugon ni Uy nang tanungin tungkol sa pag-asang may makuha pang survivor sa lugar. Batay sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, umabot na sa tatlong katao ang kumpirmadong patay sa nangyaring trahedya. Kasabay nito, sinabi ni Uy na posibleng magpalabas siya ng direktiba para pansamantalang ipagbawal ang small-scale mining sa naturang lugar. âWe might suspend. Iâm trying to recommend a suspension for a definite time, letâs say 30 days. Tomorrow antay ako kaunting detalye. We might announce the suspension, then reevaluate and reassess the situation," pahayag ng gobernador . Sa panahon na ipinaiiral ang suspensiyon, sinabi ni Uy na maaaring magsagawa ng pag-aaral at makapagbigay ng rekomendasyon ang Mines and Geosciences Bureau (MGB) ng Department of Environment and Natural Resources. Bagaman nagkaroon na umano ng rekomendasyon noong 2009 ang MGB na palikasin at huwag ng tirhan ang lugar, sinabi ni Uy na nahirapan ang alkalde sa lugar na ipatupad ang rekomendasyon. âUnfortunately may minero na napakatigas ng ulo, doon pa sila tumira ... Nahirapan din ang mayor mag-implement. Ilang beses sinasabihan pero hindi pa rin umaalis," paliwanag niya. â GMA News