
Adrienne "Purple Lady" Vergara manages to get seasoned politician Congressman Teddy Baguilat to mimic her antics. Adrienne Vergara
Bagamat patuloy na tinututulan ng Simbahang Katolika at ng ilang grupo ang posibleng pagpasa ng Reproductive Health Bill, sari-sari namang aktibidad ang isinasagawa ng mga pabor sa panukalang batas upang ipakita ang kanilang saloobing isulong ito. Ayon sa Commission on Population, makatutulong ang RH Bill para matugunan ang problema sa over population, kahirapan, maternal death at pagkalat ng sakit. Sa Baguio City, nagsama-sama ang mga tagasuporta ng Reproductive Health Bill sa isang regional summit. Layon nitong patuloy na ipaliwanag ang kahalagahan ng nasabing panukalang batas. Sa Regional RH Bill Summit umagaw ng atensyon ng lahat ang bente siyete anyos na si Adrienne Vergara na mala-Lady Gaga ang dating, ang buong suot nito, kulay purple. Purple na siyang kulay na isinusulong pabor sa RH Bill.

Adrienne Vergara with fellow pro-RH Kidlat Tahimik, his mother Virginia de Guia, son Kabuniyan and grandson. Adrienne Vergara
Ayon kay Adrienne Vergara, "I'm just very expressive. It shows my strong support for RH Bill". Naniniwala daw siyang makatutulong sa mga babaeng tulad niya kung maipapasa ang RH Bill. Hindi rin daw nabilib si Adrienne kay Pambansang Kamao at Congressman Manny Pacquiao na kontra sa RH Bill. Dagdag pa niya, "It's a need, it's our right. Actually, it's one thing that will help everyone. It's pro-poor; Ang dami talagang magagandang provisions ng RH Bill kaya't hindi ko maintindihan kung bakit hindi nila ito masuportahan". Kung patuloy na nananalig ang Simbahang Katolika na magwawagi sila sa bandang huli, kumpiyansa naman daw ang mga pro-RH Bill na uusad ang panukala hanggang sa ito'y ganap na maisabatas. Sa paniniwala naman ni Center Director ng PLCPD Romeo Dongeto, "huwag lagyan ng iba't-ibang malisya ang bill, kung ano po ang prinsipyo ng bill, 'yun lang po 'yun". -
-Glamorfe Calicdan