ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pagdami ng mga walang trabaho, 'di raw dapat isisi lahat kay PNoy
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Pinayuhan ng isang obispo ng Simbahang Katoliko si Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, na tugunan ang problema sa pagtuloy na pagdami ng walang trabaho sa Pilipinas. Ang pahayag ay ginawa ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, kaugnay sa lumabas na bagong survey ng Social Weather Station (SWS), na nagpapakita na umangat sa 11.3 milyon ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho sa bansa. (Basahin: SWS: Unemployment up, now affects 11.3M Pinoys) Ang naturang bilang ay mas mataas kumpara sa 9.9 milyong Pilipino na naitalang walang hanapbuhay sa isinagawang survey noong Nobyembre 2010. Ayon kay Bacani, maaaring dumami ang mga Pinoy na hindi nasisiyahan sa pamamalakad ni Aquino kung magpapatuloy ang pagdami ng mga walang trabaho sa bansa. âKung walang trabaho, walang kita, kung walang kita ay maghihirap. At kapag dumami ang mahihirap, magkakaroon ng unrest at lalo na dissatisfaction sa pamumuno ng Pangulong Aquino," pahayag ng Obispo sa panayam ng Veritas radio nitong Martes. Dagdag pa ni Cruz, âIyan ang medyo delikado para sa kaniya kapag hindi nalunasan âyan baka lumaki ang discontent, maaga pa sa kanyang administrasyon baka mas mawalan ng tiwala ang tao sa kanya. Harinawa ay malunasan âyan." Gayunman, sinabi ni Cruz na hindi dapat isisi lahat kay Aquino ang pagdami ng mga walang trabaho. Kabilang sa mga tinukoy na dahilan ng obispo ay ang kaguluhan sa Middle East na dahilan para umuwi sa bansa ang mga overseas Filipino workers. âMarami namang factors ngayon ang nangyari, tandaan mo ang mundo nagkagulo ang Middle East at saka ang United States bumagsak ang ekonomiya. âYan dalawang factors na âyan apektado ang ekonomiiya natin, at kung apektado ang ekonomiya natin, apektado din ang hanapbuhay natin," paliwanag niya. Binigyan-pansin din ni Cruz ang mga problemang iniwan ng nakaraang administrasyon na minana ng gobyerno ni Aquino, kabilang na ang hindi raw tamang paggamit ng pondo ng gobyerno. -- GMA News
Tags: unemployment, swssurvey
More Videos
Most Popular