Isang bahay sa San Nicolas, Ilocos Norte, tinupok ng apoy!
Tatlong sako lang ng palay ang naisalba sa nagngangalit na apoy na tumupok bahay na bungalow pasado alas dos kahapon sa Brgy. 14 San Nicolas, Ilocos Norte. Dahil sa lakas ng apoy, umabot ito ng ikalawang alarma kayaât kinailangang humingi ng tulong mula sa ibang bayan. Pagdating ng mga bumberong rumesponde, halos tupok na ng apoy ang buong bahay... Pahirapan naman ang kanilang pag-apula dahil masyadong mainit sa loob at labas ng bahay dahil sa sunog na nagtagal ng halos isang oras. Mabilis kumalat ang apoy dahil puro kahoy ang ilang bahagi ng bahay. Agad namang pinutol ng mga lineman ang linya ng kuryente para hindi madamay ang ibang bahay. Wala namang naisalbang gamit dahil nagkataong walang tao sa bahay nang mangyari ang sunog. Pati mga bagong gamit sa eskwela ng mga bata nadamay ding nasunog sa loob ng kuwarto. Ayon naman sa fire investigator, hindi pa nila matukoy ang pinagmulan ng sunog pero hinihinalang sa bubong nagmula ang apoy. Halos isang milyong piso umano ang halaga ang mga nasunog na gamit at ari-arian sa loob ng bahay. Wala namang naiulat na nasugatan sa naturang sunog at maswerteng hindi nadamay ang katabi nitong bahay. --Glamorfe L. Calicdan