Baguio Doppler Radar System, hindi umano inaasahang magbigay ng wastong weather forecast!
Tinungo ng GMANews ang Baguio Radar Station kung saan nakakabit ang Doppler Radar System sa Tuba, Benguet. Ang Doppler Radar System ay isang gamit para sukatin ang dami ng ulan at ang velocity o bilis at lakas ng isang bagyo. Pero ayon sa weather specialist ng Baguio Radar Station, 80% pa lang ang operational accuracy ng nasabing radar. Ayon pa sa Weather Specialist I Raymund Ordinario, "Nasa average tayo. Sabihin natin mas maganda pa rin ang 80@ at least yung rain rate, alam na natin kung gaano kalakas ang ulan sa isang oras, so magandang babala pa rin sa taumbayan". Kung pagbabatayan ang Bagyong Chedeng, wala pang masyadong nababasa ang doppler radar. Malayo pa kasi ang bagyo mula sa 480 kilometers na radius na pwedeng ma-detect ng doppler radar. Dagdag pa ni Ordinario, "Ang radar natin is equipped with VSAT, Communication Equipment. 'Yung image namin dito sa Baguio Radar, makikita sa Baguio synop ang the thru Baguio Synop, makikita na sa Central Office sa Quezon City. Kung walang problema sa line of communication, real time display or image ang makikita nila". Upgraded ang mga monitor, transmitter at servu ng doppler radar. Pero ang antenna sa radium, dati pa rin. Hinihintay pa din umano nila ang mga inhinyerong mula sa ECC. Sila daw kasi ang in-charge para ma-calibrate nang husto ang dynamic range para maging at least 95%-100%. Mahigit isang dekada nang ikinabit ang Baguio Radar Station sa Tuba, Benguet. Nitong 2009, sumailalim ang doppler radar system sa upgrading. Pero nangangailangan pa ito ng calibration para sa mas accurate na weather forecasting. --Glamorfe Calicdan