ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Baliktad na watawat sa website ni PNoy, umani ng kritisismo
MANILA â Umani ng mga batikos ang baliktad na pagkakalagay ng watawat ng Pilipinas sa mismong website ng Tanggapan ng Pangulo nitong Huwebes bilang pagsuporta sana sa selebrasyon ng National Flag Day. Sa screen shot sa website ng Office of the President dakong 3:30 p.m., sa halip na bahagi ng watawat na kulay asul ang nasa itaas, ang bahagi ng watawat na kulay pula ang nasa itaas.
Binabaliktad lang o pinapayagang naka-display ang watawat na kulay pula ang nasa itaas kapag ang Pilipinas ay nahaharap sa digmaan. Lumitaw na tatlong beses pa lamang nangyari na binaliktad ang watawat ng Pilipinas: "noong 1896 Revolution, World War II, at 1986 Edsa Revolution." Ilang minuto matapos mapansin ang baliktad na watawat sa OP website, muling sinilip ng GMA News Online ang naturang website pero inalis na ang bandila. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, hinikayat ng Malacanang ang mga Pilipino na magpaskil ng watawat sa kanilang mga tahanan, opisina, paaralan, gusali at iba pa. Ang selebrasyon sa pagwagayway ng watawat ay sisimulan sa Mayo 28 hanggang Hunyo 12, na paggunita naman sa Independence Day. Gugunitain ng bansa ang Battle of Alapan na naganap noong Mayo 28, 1898, kung saan unang iwinagayway ang watawat ng bansa sa Teatro Caviteño. Narito ang ilan sa mga puna sa baliktad na watawat sa website ng Malacanang:
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV @ Ace Sango: "Sana po, pag-ingatan natin ang sagisag ng ating Bansa tulad ng bandila. wag magpadalusdalos sa paglalathala. Di dapat tayo magkamali sa pagpapakita ng ating bandila, atin yan eh!" @ KeithP: "Hindi lang pala incompetent tong administrasyon na to. Color-blind din!" @ Ernie Rojo: "Also, you don't write anything on the flag. Read the Flag Code." @ Matthew Leese: " di naman si PNoy ang sablay eh, yung tao lang niya kaya dapat yung tao niya eh akuin ang pagkukulang para hindi sa pangulo mapunta ang sisi" @ Bagman Gomez: "kung ang gagawin natin as maghanap ng kamalian, puro mali lang ang ating matatandaan. mabuti siguro mag isip tayo ng maitutulong natin para mai - angat ang buhay ng bawat pilipino. ibinoto nyo man at hindi si pinoy sya na ang presidente ng pilipinas. sana ang mga mata ng mga pilipino tumingin sa mabuti hindi sa masama." @ jan_mnl:" They forgot to mention that the flag was also displayed in its reverse during Noynoy's visit to the US. Photos of that important event were posted everywhere but no one, as in no one corrected the mistake before the event. Protocol was sleeping on the job? (2) Why is the National Flag DAY one week long? Dapat National Flag WEEK!" @Tony Lastimado: "oo pwdeng walang perpektong tao...lahat nagkakamali... pero sa simpleng bagay na ito?... ilang kulay lang meron sa flag natin hindi pa matandaan??? ano ba naman yan???" Pagkakamali, inamin Sa panayam ng GMA News Online, inamin ni presidential spokesperson Edwin Lacierda, ang pagkakamali at himingi ito ng paumanhin. "We regret the incident and we are glad the Office of the President website already made the necessary correction on the position of the flag," ayon kay Lacierda. - GMA News
Binabaliktad lang o pinapayagang naka-display ang watawat na kulay pula ang nasa itaas kapag ang Pilipinas ay nahaharap sa digmaan. Lumitaw na tatlong beses pa lamang nangyari na binaliktad ang watawat ng Pilipinas: "noong 1896 Revolution, World War II, at 1986 Edsa Revolution." Ilang minuto matapos mapansin ang baliktad na watawat sa OP website, muling sinilip ng GMA News Online ang naturang website pero inalis na ang bandila. Sa isang pahayag nitong Miyerkules, hinikayat ng Malacanang ang mga Pilipino na magpaskil ng watawat sa kanilang mga tahanan, opisina, paaralan, gusali at iba pa. Ang selebrasyon sa pagwagayway ng watawat ay sisimulan sa Mayo 28 hanggang Hunyo 12, na paggunita naman sa Independence Day. Gugunitain ng bansa ang Battle of Alapan na naganap noong Mayo 28, 1898, kung saan unang iwinagayway ang watawat ng bansa sa Teatro Caviteño. Narito ang ilan sa mga puna sa baliktad na watawat sa website ng Malacanang: For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV @ Ace Sango: "Sana po, pag-ingatan natin ang sagisag ng ating Bansa tulad ng bandila. wag magpadalusdalos sa paglalathala. Di dapat tayo magkamali sa pagpapakita ng ating bandila, atin yan eh!" @ KeithP: "Hindi lang pala incompetent tong administrasyon na to. Color-blind din!" @ Ernie Rojo: "Also, you don't write anything on the flag. Read the Flag Code." @ Matthew Leese: " di naman si PNoy ang sablay eh, yung tao lang niya kaya dapat yung tao niya eh akuin ang pagkukulang para hindi sa pangulo mapunta ang sisi" @ Bagman Gomez: "kung ang gagawin natin as maghanap ng kamalian, puro mali lang ang ating matatandaan. mabuti siguro mag isip tayo ng maitutulong natin para mai - angat ang buhay ng bawat pilipino. ibinoto nyo man at hindi si pinoy sya na ang presidente ng pilipinas. sana ang mga mata ng mga pilipino tumingin sa mabuti hindi sa masama." @ jan_mnl:" They forgot to mention that the flag was also displayed in its reverse during Noynoy's visit to the US. Photos of that important event were posted everywhere but no one, as in no one corrected the mistake before the event. Protocol was sleeping on the job? (2) Why is the National Flag DAY one week long? Dapat National Flag WEEK!" @Tony Lastimado: "oo pwdeng walang perpektong tao...lahat nagkakamali... pero sa simpleng bagay na ito?... ilang kulay lang meron sa flag natin hindi pa matandaan??? ano ba naman yan???" Pagkakamali, inamin Sa panayam ng GMA News Online, inamin ni presidential spokesperson Edwin Lacierda, ang pagkakamali at himingi ito ng paumanhin. "We regret the incident and we are glad the Office of the President website already made the necessary correction on the position of the flag," ayon kay Lacierda. - GMA News
More Videos
Most Popular