ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Isang beterinaryo, patay sa aksidente sa Santiago, Ilocos Sur!


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang veterinarian sa naganap na aksidente sa national highway sa bahaging Poblacion Sur, Santiago, Ilocos Sur kahapon. Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nabangga umano ng sasakyan na minamaneho ni Jade Marie Gacutan, residente ng Candon City ang poste sa bungad ng tulay papasok sa sentro ng Santiago, Ilocos Sur na nagresulta naman ng pagkawala sa kontrol ng sasakyan hanggang sa bumangga ito sa papalapit na motor na minamaneho naman ni Constantine Walley ng Suyo, Ilocos Sur na isang beterinaryo. Dahil sa sobrang impact ng banggaan ay nagtamo ng sugat sa ibat ibang parte ng katawan si Walley at patay na nang makarating sa ospital. Ihihahanda na ang pagsasampa ng kaso laban kay Gacutan na sa kasalukuyan ay nasa kustodiya na ng barangay council ng Patpata Primero, Candon City. --Glamorfe L. Calicdan