ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pagtaas ng ratings ni PNoy, nakasalalay din daw sa mga itinatalaga nito sa puwesto
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nagbabala ang ilang Obispo ng Simbahang Katoliko na lalong babagsak ang popularidad ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III kapag pumalpak ito sa mga bagong itatalaga niya sa kanyang Gabinete. Ang paalala ay ginawa ng mga Obispo kasunod ng inaasahang balasahan sa gobyerno dahil sa pagpasok ng ilang kaalyado ni Aquino na natalo noong nakaraang eleksiyon. Sa panayam ng Radio Veritas nitong Huwebes, sinabi ni Butuan Bishop Juan De Dios Pueblos, dapat suriing mabuti ni Aquino ang kakayanan ng mga taong bibigyan nito ng puwesto sa gobyerno at piliin ang pinakamahusay. Partikular na tinukoy ng obispo na hindi umano dapat bigyan ng posisyon sa gobyerno ay si dating Akbayan party-list Rep Riza Hontiveros-Baraquel, na sumusuporta sa pagpasa ng kontrobersiyal na Reproductive Health bill â na tinututulan naman ng Simbahan. Para naman kay Palawan Bishop Pedro Arigo, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Prison and Pastoral Care, dapat dumaan sa masusing pagsasala ang mga taong bibigyan ni Aquino ng posisyon sa pamahalaan. Iginiit niya na hindi dapat maging batayan ang pagiging kaibigan o malapit sa pamilya ng pangulo para maitalaga sa puwesto ang isang opisyal. Pinayuhan din ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Public Affairs, si Aquino na piliin ang opisyal na magsusulong ng mga programa na higit na makabubuti para sa mga tao. Hindi rin umano dapat magdalawang-isip ang pangulo na sibakin ang mga opisyal na mapapatunayang nagpabaya sa kanilang trabaho kahit pa malapit sa kanya ang mga ito. â If the president found some of those appointed Cabinet officials are incompetent, dapat lang magkaroon ng revamp. And we would really advice na talagang responsibility ng President to select and appoint competent persons lalong lalo na sa kanyang Cabinet," pahayag nito. Una rito, magkasunod na nagbitiw sa puwesto sina Transportation and Communication Sec Ping De Jesus, at Bureau of Correction Director Ernesto Diokno. Inaasahan naman na mauupo na sa puwesto ang ilang natalong kandidato sa nakaraang halalan sa pangunguna ni dating Sen Mar Roxas, na tumakbong bise presidente ni Aquino. Kung mali umano ang mga taong itatalaga ni Aquino sa puwesto at hindi sila makapagsilbi ng maayos sa mamamayan, asahan na umano ang pagbagsak pa lalo ng popularidad ng pangulo, ayon sa mga obispo. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular