ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Pagiging sugarol, adik, at pagtangging makipag-sex sa asawa, pwedeng basehan ng hiwalayan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Isang panukalang batas ang inihain sa Senado upang linawin ang katagang âpsychological incapacity" na karaniwang ginagamit na dahilan ng mga mag-asawa na nais pawalang-bisa ang kanilang kasal. Sa Senate Bill 781 na inihain ni Sen Jinggoy Estrada, nais nitong amyendahan ang Article 36 ng Family Code, para linawin ang katwirang âpsychological incapacity," na kadalasang ginagamit na ng mag-asawa na nais maghiwalay ng landas. Nakalista sa panukalang batas na inihain ni Estrada na ang indikasyon ng âpsychological incapacity" bilang batayan para payagan ang pagbabawalang-bisa ng kasal ay: - pagiging marahas at abusado sa asawa at mga anak; - pag-abandona, pagpapahintay, at pagtanggi na makipagsiping sa asawa; - pagkukulang na magbigay na pinansiyal, moral at maging emosyunal na suporta sa asawa at kanyang mga anak; - pagiging drug addict, lasenggo, sugarol at kriminal; - pagiging taksil, o pakikipagrelasyon sa bakla o sa tomboy; - lubhang mababa ang intelligence o pagiging sobrang immature; - at iba pang mga kadahilanan tungkol sa personalidad ng magkabilang panig na nakakaapekto sa pagtupad sa kanilanng responsibilidad bilang mag-asawa. âThe Code Commission that drafted Executive Order 209 (Family Code of the Philippines) in 1987 deliberately did not define psychological incapacity so as not to limit its applicability and to give the trial courts the needed leeway in examining the factual milieu of each case independent of preconceived assumptions and generalizations," paliwanag ni Estrada sa inihaing panukala. Ang hindi umano malinaw na probisyon sa naturang batas ay nagdudulot ng kalituhan sa mga legal practitioner at umaasa na lamang sa nakasaad sa Article 36 para pawalang-bisa ang isang kasal. Nakasaad sa Article 36 na: âA marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization." âPerhaps a bill with a well-defined ground on nullifying a marriage is a much welcome alternative to absolute divorce law which is proscribed by the Constitution," pahayag ng senador. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular