ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ex-Pres Arroyo dinala sa ospital


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA –Dinala sa isang ospital sa Quezon City nitong Huwebes si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, ayon mismo sa kanyang tagapagsalita na si Elena Bautista-Horn. Sa panayam ng GMA News, sinabi ni Baustista-Horn na batay sa inisyal na obserbasyon ng mga duktor ay “cervical radiculopathy" ang dinaranas ni Gng Arroyo. Ang cervical radiculopathy ay mas kilala sa tawag na “pinched nerve." Ito ay may kaugnay sa tissue at ugat na kung minsan ay nagdudulot ng pamamanhid sa bahagi ng katawan. Sinasabing ilan sa dahilan ng pinched nerve ay ang hindi maayos na posisyon ng katawan gaya sa pagtulog, at maging osteoarthritis. Ayon kay Bautista-Horn, maayos naman ang kondisyon ni Arroyo, na kasalukuyang kongresista ngayon ng Pampanga. “She just needs therapy and rest," pahayag niya. Bagaman kinansela na ang mga aktibidad ni Gng Arroyo na nakatakda sa Biyernes, kabilang na ang informal gathering sa ilang mamamahayag, nais umano ng dating pangulo na makadalo sa wedding anniversary ni Sen Miriam Defensor-Santiago sa Linggo, June 19. Sa tweet ni GMA News reporter Joseph Morong, sinabi nito na dumating sa St. Luke’s Medical Center ang anak ni Gng Arroyo na si Camarines Sur Rep Diosdado “Dato" Arroyo. - FRJ, GMA News