Ex-Pres Arroyo, nagpasaring kay Aquino
LUBAO, Pampanga â Pinatamaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo â kongresista na ngayon ng Pampanga â ang pamamahala ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III sa bansa, partikular sa usapin ng ekonomiya. âIyung ekonomiya na iniwan ko very strong at the time when there is global crisis, now when the rest of Asian economies are recovering, it is our economy that is decelerating, iyun ang problema," pahayag ni Arroyo sa ilang mamamahayag na inimbitahan niya sa Prado Farm sa Lubao nitong Biyernes. Natapos ang termino termino ni Arroyo bilang lider ng bansa noong June 2010 makaraan ang siyam na taong pamamahala. Pinalitan siya ni Aquino na nagwagi sa ginanap na May 2010 presidential elections. Unang nakaupo sa Malacanang si Arroyo (dating bise presidente) noong 2001 nang palitan niya sa puwesto si dating Pangulong Joseph Estrada dahil sa people power revolution. Nanatili siya sa Palasyo matapos ang kontrobersiyal niyang pagkapanalo noong 2004 presidential elections, laban sa mahigpit niyang kalaban... ang pumanaw na aktor na si Fernando Poe Jr. Sa ilalim ng kanyang termino, sinabi ni Arroyo na kinailangan niyang magpatupad ng mga hakbang para madagdagan ang kita ng gobyerno kahit pa magalit sa kanya ang publiko. Ginawa umano niya ito para mapalakas ang ekonomiya ng bansa. âI left the economy that is focused on fiscal sustainability. I raised taxes even if it is unpopular, but I have to do that because we need funds for health, education, job creation programs and infrastructure. These things are needed for a sustainable growth. The economy still benefits from that sustainable growth," paliwanag niya. âI left the government with ten years of uninterrupted growth even during the global crisis and I left with 7.9 growth rate. I left with automated elections which is the beginning of political reforms," dagdag pa ni Arroyo. Sa kabila nito, sinabi ni Arroyo na nakamit niya ang hinahangad niyang programa dahil na rin umano sa mga magagandang programa na nagawa ng nakaraang mga administrasyon. Nang tanungin si Arroyo tungkol sa mga foreign-funded projects na pinasok ng kanyang administrasyon na ipinatigil umano ng administrasyong Aquino katulad ng paghukay sa Laguna Lake, tugon niya: âI have nothing to say. I donât give unsolicited advice, why? Are they (dating Pangulong Estrada at Fidel) followed or are they responded to with respect if they are not followed? I can show my concern in other ways," pahayag niya. Sa isang pahayag ng Office of the Presidential Spokesperson nitong Huwebes, ipinagmalaki ng pamahalaan ang ginawang pag-upgrade ng Fitch Ratings sa rating ng Pilipinas mula sa BB to BB+. Noong Nobyembre, itinaas din umano ng Standard and Poor ang rating ng Pilipinas, at ganundin ang ginawa ng Moody's Investors Service nitong Hunyo. âThis is added recognition of the prudence, zero-based budgeting, and targeted spending efforts of the administration to achieve lasting and inclusive growth," ayon sa pahayag. -- GMA News