ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Chopper na pag-aari ng pamilya Arroyo, ibinenta raw sa PNP
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson nitong Martes na isang helicopter na pag-aari umano ng pamilya Arroyo ang ibinenta bilang âbrand new" sa Philippine National Police (PNP) noong 2009. Ayon sa senador, may hawak siyang mga dokumento na magpapatunay tungkol sa pagbili ng PNP ng tatlong Light Police Operational Helicopters (LPOHs), kabilang ang pag-aari ng pamilya Arroyo sa kabuang halaga na P105 milyon. Ang naturang mga helicopter ay gamit para sa Special Action Force (SAF) ng pulisya. "The first couple were so powerful at that time that ramming the used helicopters down the throat of the police was easy and effortless," pahayag ng senador. "And since the proceeds could exceed the P50-million threshold in a series of acts, those liable are candidate for a plunder case under our existing laws," dagdag pa ni Lacson. Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang tugon ang kampo ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga. Ang pagbubunyag ay ginawa ni Lacson matapos silang maghain ni Sen Teofisto Guingona, chairman ng Senate blue ribbon committee, ng resolusyon para imbestigahan ang umanoây maanomalyang pagbili ng mga helicopter. Ayon sa mga senador, sinimulan ng PNP Negotiation Committee noong May 2009 ang pakikipag-usap sa Manila Aerospace Products Trading Corp. (MAPTRA) para sa pagkuha ng isang equipped LPOH at dalawang standard LPOHs, kahit pa ang kailangan ng PNP-SAF ay tatlong equipped LPOHs. Sinabing si Chief Superintendent Leocadio Santiago Jr., nooây nakaupong pinuno ng SAF, ang nagpalit sa katangian ng mga helicopter na kukunin. Ang pagpapalit ay inaprubahan naman umano ni Director General Jesus Verzosa na nooây hepe ng PNP. Babayaran ang supply contract sa MAPTRA ng P104.985 milyon para sa isang Robinson R44 Raven II at dalawang Robinson R44 Raven I helicopters. Sinabi nina Guingona at Lacson, na sadyang pinalitaw ng MAPTRA na ang mga helicopter na ibinenta nila ay brand new at pinaniwalaan naman ito ng PNP. Lumitaw umano sa flight logs ng dalawang R44 Raven I na ang mga helicopter ay "pre-owned" na mula pa noong Marso 2004. "While it's bad enough that the two units were overpriced and therefore grossly disadvantageous to the government, passing them off as brand-new smacks of brazen deceit and utmost bad faith," ayon kay Lacson. â GMA News
Tags: lacson, specialactionforce
More Videos
Most Popular