ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Kapatid ni Robin Padilla na si Royette, nakalabas na ng kulungan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA -- Makaraang magpalipas ng magdamag sa kulungan sa Pampanga, nakalaya na rin nitong Martes ng hapon ang kapatid ni Robin Padilla na si Royette. Sa ulat ni GMA News reporter Ian Cruz, sinabi nito na dakong 1 p.m. nang lumabas ng Angeles District Jail sa loob ng Camp Tomas Pepito sa Pampanga si Royette. Nakulong si Royette nitong Lunes matapos ireklamo ng kanyang misis ng pambubugbog. Bukod pa rito ang standing warrant of arrest kay Royette na frustrated homicide noon pa umanong 1997. Ayon kay Gng Vangie Carino, kapatid ng ina nina Robin at Royette na si Gng Eva Carino Padilla, naayos na umano ang hindi pagkakaunawaan nina Royette at asawa nito.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âAlam mo naman ang mag-asawa medyo nakainom si ano nagkatampuhan kasi gustong umuwi ganun lang," ayon kay Gng Vangie sa ulat ng GMa news 24 Oras nitong Martes. Nang lumabas ng piitan si Royette, naging matipid ang pagsagot nito sa media tungkol sa nangyari sa kanilang mag-asawa, ayon sa ulat. Sinabi ni Assistant City Prosecutor Jaime Mateo Umlas, dapat daw nakalabas na si Royette nitong Lunes kung hindi lamang sa isa pang kaso na frustrated homicide. Hindi na rin umano umabot sa korte ang reklamong paglabag sa Anti Violence Against Women and Children Act ni Royette dahil sa affidavit na inihain kaagad ng misis ni Royette na nagbabawi sa kanyang reklamong pambubugbog. - FRJ, GMA News

Tags: royettepadilla, robinpadilla
More Videos
Most Popular