ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mga senador iniyakan ng dating opisyal ng PCSO
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Iniyakan at nakiusap sa mga senador ang dating opisyal ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Rosario Uriarte na igalang ang kanyang karapatan sa ilalim ng Konstitusyon na huwag magsalita tungkol sa iniimbestigahang pondo ng ahensiya. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senate blue ribbon committee tungkol sa paggamit ng pondo ng PCSO nitong Huwebes, sinabi ni Uriarte na apektado na rin ang kanyang pamilya sa iskandalong kinasasangkutan niya. Si Uriarte, dating general manager ng PCSO, ang itinuturong humingi at nangasiwa sa paggamit ng milyong-milyong intelligence funds ng PCSO noong panahon ng liderato ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo -- kongresista na ngayon ng Pampanga. "I therefore appeal for your understanding, Mr. Chairman, Mr. senators. My duty to my family who have suffered and continue to suffer cruel and humiliating perception of me resulting from these hearings and my right to defend myself tell me to invoke my constitutional right to remain silent and not to give further statements which will certainly be used against me," umiiyak na pakiusap ng dating opisyal.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ipinaliwanag ni Uriarte na apektado na ang kanyang pamilya dahil sa pagdalo niya sa pagdinig. Nagkasakit din umano ang kanyang ama at siya man ay kinailangang uminom ng gamot dahil sa stress. "The hearings, the adverse public perception which I and my family continue to endure, and worse, my indictment for a serious crime have become unbearable and prejudicial not only to my family's but to my rights under the Constitution," ayon kay Uriarte. Gayunman, sinabi nito na handa siyang harapin ang plunder case na isinampa laban sa kanya at kay Arroyo sa Office of the Ombudsman. Sa kabila ng pakiusap, sinabi ni Sen Franklin Drilon, miyembro ng komite, na kailangan nilang ipagpatuloy ang pagdinig. Plano ng mga mambabatas na amyendahan ang Charter ng PCSO. "Let us assure Mrs. Uriarte and the public in general that we are doing this in the public interest... It is the obligation of the (blue ribbon committee) to look into this alleged anomalies," ayon kay Drilon. Ipinaalala ng senador na maaaring gamitin ni Uriarte ang kanyang âright against self-incrimination" sa ilang katanungan lamang. Sa kabila nito, pinili ng dating opisyal ng PCSO na huwag magsalita tungkol sa paggamit ng intelligence funds ng ahensiya. â GMA News

More Videos
Most Popular