ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Unang E.O. ni PNoy, tuluyang ibinasura ng SC
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Ganap nang ibinasura ng Korte Suprema ang kauna-unahang Executive Order na nilikha ni Pangulong Benigno âNoynoy" Aquino III, na layunin sanang lumikha ng komisyon na magsisiyasat sa mga katiwaliang hinihinalang naganap sa nakaraang administrasyong Arroyo. Sa pinal na desisyon ng mga mahistrado na may botong 10-3, nagdesisyon ang SC na labag sa Saligang Batas ang EO No. 1 na ipinalabas ni Aquino para likhain ang Truth Commission. Sa pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni Court Administrator Jose Midas Marquez, tagapagsalita ng SC, walang bagong argumento na naipakita ang Malacanang sa kanilang inihaing motion for reconsideration noong Disyembre 2010. "The motion for reconsideration in the petition questioning the Philippine Truth Commission has been denied with finality, the basic issues having been passed upon and there being no substantial arguments for motion for reconsideration," ayon kay Marquez. Kabilang sa mga bumoto kontra sa EO no. 1 ay sina Chief Justice Renato Corona, Associate Justices Teresita Leonardo-de Castro, Arturo Brion, Presbitero Velasco, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Mariano del Castillo, Martin Villarama, Jose Perez, at Jose Mendoza. Samantala, naghain ng dissenting opinion sina Associate Justices Antonio Carpio, Roberto Abad, at Ma. Lourdes Sereno. Sa naunang desisyon ng SC noong Disyembre 2010, iginiit nito na labag sa Konstitusyon ang EO no. 1 dahil sinagasaan nito âequal protection" clause ng Saligang Batas. Ito ay dahilan sa ang tanging pupuntiyahin lamang ng imbestigasyon ng komisyon ang mga katiwalian na pinapaniwalaang naganap sa administrasyon ni dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Ang kaalyado ni Arroyo na si House Minority Leader Rep Edcel Lagman ang naghain ng petisyon sa SC para ibasura ang EO no. 1. Plano sana ni Aquino na si dating SC chief justice Hilario Davide ang mamumuno sa komisyon. Nakasaad sa Section 1, Article III ng 1987 Constitution na, "No person... shall be denied the equal protection of the laws." Upang makalusot, iminungkahi ng SC na dapat isama sa gagawing imbestigasyon ng Truth Commission ang iba pang nagdaang administrasyon. "Lest it be misunderstood, this is not the death knell for a truth commission as nobly envisioned by the present administration. Perhaps a revision of the executive issuance so as to include the earlier past administrations would allow it to pass the test of reasonableness and not be an affront to the Constitution," paliwanag ng SC. Ngunit sa halip na baguhin ang EO no 1, nanindigan ang Malacanang na hindi nila nilalabag ang Konstitusyon at naghain sila ng motion for reconsideration. â GMA News
More Videos
Most Popular