ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pamilya Marcos, payag na sa Ilocos Norte ilibing ang Dating Pangulong Marcos


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ni Vice President Jejomar Binay ang resulta sa pakikipagpulong niya kay Ilocos Norte Representative Imelda Marcos hinggil sa planong pagpapalibing kay dating pangulong Ferdinand Marcos. Ayon kay Binay, pumayag na umano ang pamilya Marcos na sa Ilocos Norte mismo ilibing ang dating presidente. Sa ginawang press conference ni Binay kung saan dinaluhan ito ng biyuda ni Marcos, sinabi niyang moot and academic ang usapin tungkol sa paglilibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani. Inaasahan umano na sa mga susunod na araw ay ilalabas na ang opisyal na pahayag sa libing ng yumaong Pangulong Marcos. Sa panayam kay Imelda Marcos, titingnan pa umano kung sa bayan ng Sarrat o Batac ililibing ang asawa. Maugong ang balita na may binili umano ang pamilya Marcos na ekta-ektaryang bundok sa bayan ng Sarrat para doon ilibing ang bangkay ni Marcos pero wala pang ginawang pag-amin ng pamilya. --Glamorfe L. Calicdan, GMANews