ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Hello Garci' probe nais ni Cayetano na simulan na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Nais ni Senate Minority Floor Leader Alan Peter Cayetano na simulan na ng Senado ang tinawag niyang "mother of all investigations" tungkol sa gagawing imbestigasyon sa umano’y dayaan sa halalan noong 2004. "I strongly suggest na umpisahan na yung Hello Garci investigation sa Senate. If you open that up, you'll solve many of the issues," paliwanag ni Cayetano sa press conference sa Pasay City nitong Biyernes. Ang “Hello Garci" scandal ay tungkol sa taped conversation ng isang lalaki at babae na hinihinalang sina dating pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at dating election commissioner Virgilio Garcillano. Walang pag-amin na ginawa si Arroyo tungkol sa taped conversation, samantalang itinanggi naman ni Garcillano na silya ang lalaki sa naturang pag-uusap. Naghain ng magkahiwalay na resolusyon sina Cayetano at Sen. Panfilo Lacson upang hilingin sa Senado na imbestigahan ang umano’y dayaan noong 2004 at 2007 elections. Isang joint resolution naman ang inihain ni Sen. Francis Escudero na naglalayong lumikha ng fact-finding committee ang Kamara at Senado para imbestigahan din ang alegasyon ng dayaan. Pero ayon kay Cayetano, may mga impormasyon na ilang senador ang nagpapakita ng "resistance" sa gagawing imbestigasyon. "I don't know (why). That's what I'm trying to find out," pahayag ng senador na hindi naman nagbanggit ng mga pangalan. Nauna nang inihayag ni Senate President Juan Ponce Enrile na tutol siyang imbestigahan pa ang dayaan sa halalan dahil hindi sila ang tamang ahensiya na dapat magsagawa ng imbestigasyon. Bumuo naman ng joint panel ang Department of Justice at Commission on Elections na magsasagawa ng imbestigasyon tungkol sa umano’y dayaan sa eleksiyon noong 2004. Ngunit iginiit ni Cayetano na walang masama kung magsagawa ng sarili nilang imbestigasyon ang Senado tungkol sa nasabing usapin. Naniniwala ang senador na maraming katiwalian at iregularidad na mahahalungkat ang kapulungan sa umano’y dayaan kapag nasimulan ang imbestigasyon. -- GMA News