ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sikat na Pinoy designer, nanawagan ng suporta para sa creative industry
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Inihayag ng sikat na Pinoy furniture designer na nakabase sa Cebu na kailangan ang suporta ng pamahalaan para mapaunlad ang creative industry ng Pilipinas. Sa pagdinig nitong Martes ng Senate committee on trade and commerce na pinamunuan ni Sen. Manny Villar, sinabi ni Kenneth Cobonpue na kulang ang suporta ng gobyerno sa industriya kaya napag-iwanan ito sa mga katabing bansa sa Asya. âTen years ago, we were the leaders in terms of designâ¦today the Thais, the Indonesians, their government have devoted, have given them funding. In fact in the last Milan fair, I was a David there against Thailandâs Goliath and they have a booth five times my size all sponsored by the government," hinanakit ni Cobonpue. Kabilang sa mga naging kliyente ni Cobonpue sa mga furniture na kanyang ginawa ay ang sikat na Hollywood couple na sina Brad Pit at Angelina Jolie. Dinidinig ng komite ni Villar ang Senate Bill No. 2930 na iniakda ni Sen Teofisto Guingona III, "Creating the Design Council of the Philippines," at ang Senate Bill No. 1064 , "Creative Industries Act," na iniakda ni Villar. Sa naturang pagdinig, naglabas ng hinanakit si Cobonpue dahil sa kawalan umano ng sapat na suporta mula sa gobyerno para mapaunlad ang creative industry sa bansa. Sa tanong ni Villar kung patakaran o pondo ba ang kailangang suporta ng industriya, sinabi ni Cobonpue na parehong kailangan iyong ng industriya. Tiniyak ni Villar na agaran nilang ipapasa ang panukala dahil na rin sa kanyang paniwala na makapagbibigay ito ng karagdagang trabaho sa mga Pilipino. Bukod dito, sinabi ng senador na mas lalong makikilala sa mundo ang pagiging malikhain ng mga Pinoy kung mapapaunlad ang industriya. Ang creative industry ay kinabibilangan ng advertising, architecture, antique markets, crafts, design, designer fashion, film, video and photography, software, computer games, electronic publishing, music, visual performing arts, publishing, television at radio. â GMA News
Tags: kennethcobonpue, mannyvillar
More Videos
Most Popular