ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mayor Lim, kakalampagin sa bentahan ng abortifacient pill sa Quiapo church
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Nanawagan kay Manila Mayor Alfredo Lim ang pamunuan ng Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo na lansagin ang umanoây sindikato sa likod ng pagbebenta ng gamot na ginagamit sa abortion. Nitong Huwebes, sinabi ni Msgr. Clemente Ignacio, Rector ng Quiapo Church, na nagdaraos sila ng protesta sa Quiapo Church hanggang Manila City Hall sa Biyernes. Ang protesta ay laban umano sa patuloy na paglaganap ng bentahan ng isang uri ng gamot na ipinagbabawal dahil nagagamit ito para ipalaglag ang sanggol sa sinapupunan. Inanyayahan ni Ignacio ang mga deboto ng Nazareno at mga nagmamahal sa buhay na sumama sa pakikipaglaban para mapigil ang bentahan ng naturang abortion pill. Personal daw nilang iaabot kay Lim ang sulat na naglalaman ng kanilang apela na lansagin ang sindikatong nagkakalat ng naturang uri ng gamot. Ginagamit lamang daw na cover ng mga vendor sa Quiapo ang pagtitinda ng mga âherbal medicine" upang itago ang bentahan ng naturang abortion pill. Imposible umanong walang malaking grupo na nasa likod nito dahil galing daw sa ibang bansa ang mga gamot. âHindi lamang isang grupo, marami sila, iba-ibang grupo na nagtitinda diyan upang maipasok at ma-distribute (ang gamot). Organisado ang grupo na ito,"pahayag ni Ignacio sa panayam ng Radio Veritas nitong Huwebes. Iginiit ng pari na kailangan paigtingin ang kampanya laban sa naturang uri ng gamot dahil ito raw ang ginagamit sa halos isang milyung abortion incidence sa bansa. - GMA News
More Videos
Most Popular