ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
2 sa 3 'Alabang Boys', lusot sa kasong illegal drugs
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Pinawalang-sala ng Muntinlupa City Regional Trial Court nitong Biyernes ang dalawa sa tatlong akusado na binansagang âAlabang Boys," na nasangkot sa high-profile drug case noong 2008. Sa ulat ng GMA News TV's "News to Go," pinawalang-sala ni Judge Juanita T. Guerrero, ng Muntinglupa RTC, sina Richard Brodett at Jorge Joseph, dahil sa kawalan ng sapat na katibayan. Sina Brodett at Joseph ay naharap sa kasong pag-iingat at pagtutulak ng ipinagbabawal na droga. Hiwalay namang dinidinig ang kaso ng isa pang akusado na si Joseph Tecson na nakabinbin sa Quezon City RTC Branch 103. Sina Tecson, Brodett at Joseph ay dinakip ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa magkahiwalay na operasyon noong September 2008. Naging kontrobersiyal ang kaso dahil inakusahan ng PDEA noong December 2008 ang piskal ng Department of Justice (DOJ) na tumanggap ng suhol para irekomenda na ibasura ang reklamo. Pinabulaanan ng mga piskal na humahawak ng kaso ang alegasyon ng PDEA. Noong March 2009, binaliktad ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang rekomendasyon sa DOJ na ibasura ang reklamo. Iniutos ni Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga, na kasuhan sa korte ang tatlo na sinasabing mula sa mayamang pamilya. Sa isang pahayag nitong Biyernes, ikinalungkot ni undersecretary Jose S Gutierrez Jr., director general ng PDEA, ang desisyon ng korte pero iginagalang dw nila ito. Inatasan din ni Gutierrez ang legal team ng PDEA na pag-aralan ang naging desisyon ni Guerrero upang magsilbing leksiyon at magamit nila sa hinaharap. -- GMA News
Tags: alabangboys, illegaldrugs
More Videos
Most Popular