ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Unang pagdeklarang labag sa batas ang komunismo sa Pinas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kilala niyo ba kung sino ang itinuturing isa sa mga nanguna sa pagtatatag ng komunismo sa Pilipinas, at kung kailan ito unang idineklarang labag sa batas? Ang lider obrero na si Crisanto Evangelista na pinuno ng Katipunan ng Anak Pawis (KAP), ay siya ring namuno sa pagtatag ng Partido Komunista sa Pilipinas (PKP) na itinatag noong November 1930. Ang malakas na unyunismo ng grupo ni Evangelista ay sinasabing ikinabahala ng pamahalaan nang panahon iyon. Noong Mayo 1931, sinalakay ng mga awtoridad ang lugar na pinagdausan ng pagtitipon ng grupo ni Evangelista. Dinakip ang mga pangunahing lider ng grupo kabilang na si Evangelista at kinasuhan sila ng ilegal na pagtitipon at sedisyon. Setyembre 1931 nang hatulan ni Judge Mariano Albert ng Manila Court First Instance, ang mga lider ng komunismo na makulong. Ito rin ang panahon na unang idineklara ng korte na labag na sa batas ang KAP at PKP na mas kilala na ngayon bilang Communist Party of the Philippines. - GMA News

Tags: pinoytrivia