ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Aquino nakabalik na sa bansa mula sa China


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Nakauwi na sa Pilipinas nitong Sabado ng gabi si Pangulong Benigno “Noynoy" Aquino III mula sa limang araw na opisyal na pagbisita sa China. Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport dakong 7:00 p.m. ang eroplanong sinakyan ni Aquino, kunsaan sinalubong siya ng mga miyembro ng Gabinete. "Sa unang bisita natin sa Tsina, napagkasunduan natin na bilang dalawang bayan na magkalapit hindi lang sa mapa kundi sa daan-daang taong kasaysayan ng ugnayang Pilipino at Tsino, nararapat lang na maipagpatuloy at lalo pang maipalakas ang pagtulungan ng dalawang bansa," ayon kay Aquino sa kanyang arrival statement. Sinabi niya na umayon ang China na makiisa na gawing 'sea of friendship and cooperation' ang West Philippine Sea (South China Sea) sa pagtulong na rin sa ASEAN Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea. May mga kasunduan din umanong nilagdaan ang magkabilang panig tungkol sa kalakalan, ekonomiya, turismo, kultura, technical cooperation, at iba pa. Nagkasundo rin ang mga lider ng dalawang bansa na ideklara ang 2012-2013 na Philippine-China Year of Friendly Exchanges upang mapalaki ang tourist arrivals sa dalawang milyon pagsapit ng 2016. Target din ng Pilipinas at China na makamit ang $60 bilyong two-way trade pagsapit ng 2016. Pinasalamatan naman ni Aquino ang mga negosyante na sumama sa kanyang pagpunta sa China para makahikayat ng mga mamumuhunan. -- GMA News