Lider ng rescue team sa Bulacan, namatay ilang saglit matapos tumanggap ng parangal
Nauwi sa kalungkutan ang masayang parangal na idinaos sa Pampanga nitong Lunes nang atakihin sa puso at mamatay ang isa sa mga tumanggap ng pagkilala sa mga lider ng disaster rescue groups ng Central Luzon. Ilang sandali lang matapos tanggapin ni Aris Jumaquio ang kanyang ikatlong sunod na Most Outstanding Non-Governmental Organization (NGO) rescue group award mula sa Office of Civil Defense III (OCD), bigla itong nawalan ng malay pagbalik sa kanyang upuan at tuluyan nang binawain ng buhay. Si Jumaquio, 63-anyos, ang pinuno ng Rescue 117 na nakabase sa Paombong, Bulacan. Ayon kay Liz Mungcal, hepe ng Bulacan Provincial Disaster Risk and Reduction Management Office (PDRRMO), matapos tanggapin ni Jumaquio ang parangal, nakita pa niyang nagpakuha ito ng larawan kasama sina OCD-III Director Josie Timoteo at Bulacan Provincial Administrator Jim Valerio. Pagkatapos nito ay nagbalik na sa kanyang upuan si Jumaquio pero maya-maya lang ay hindi na ito gumalaw. âWe were one seat apart and I was trying to reach out and congratulate him, but he did not move," kuwento ni Mungcal nitong Martes. Kaagad namang sumaklolo ang ibaât ibang rescue groups na nasabing pagtitipon para isalba ang buhay ni Jumaquio. Isinugod siya sa âdi kalayuang Mother Theresa of Calcutta Hospital, pero hindi na siya nailigtas. Tinanggap ng Rescue 117 ng Paombong ang parangal bilang most outstanding NGO rescue group sa Central Luzon sa loob ng tatlong sunod na taon. Noong 2008 at 2009, tinanggap din ng Rescue 117 ang Gawad Kalasag, ang pinakamataas na pagkilala na ipinagkakaloob ng Pangulo ng bansa sa mga natatanging disaster and rescue groups sa Pilipinas. Tumanggap din ng parangal ang Bulacan bilang Most Outstanding Provincial Disaster Risk and Reduction Management. - GMA News