ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Lozada, umaasahang papapanagutin ni PNoy ang mga sangkot sa ZTE-NBN deal
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Bagaman nababagalan sa pagkilos ng pamahalaang Aquino para mapapanagot ang mga sangkot sa anomalyang naganap sa nakaraang administrasyon, umaasa pa rin ang dating âwhistle blower" na si Rodolfo âJun" Lozada, na tutuparin ni Pangulong Benigno Aquino III ang pangako nitong hahabulin ang mga tiwali. Nitong Martes, pinuna ni Lozada na hanggang ngayon ay wala pa ring napapanagot ang administrasyong Aquino sa kontrobersiyal na NBN-ZTE project na na pinasok sa China ng administrasyon ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, kongresista na ngayon ng Pampanga. Sinabi ni Lozada na buhay at pamilya niya ang kanyang isinakripisyo nang isiwalat niya ang umanoây katiwalian sa naturang proyekto na ipinatigil ni Arroyo matapos imbestigahan sa Senado. Mahigit isang taon mula nang maluklok sa Malacanang, pinuna ni Lozada na hanggang ngayon ay wala pa ring nasasampahan ng kaso tungkol sa nabulilyasong NBN-ZTE project. âGayunman, umaasa ako na sana naman may managot dito. Sabi mo nga malaki laki ang nasakripisyo ko dito⦠pamilya ko, buhay ko. At yun din naman ang ginamit nilang slogan sa kampanya nila, âkung walang kurap, walang mahirap,â" pahayag ni Lozada sa panayam ng Radyo Veritas. Inihayag din ni Lozada na wala siyang nakikitang masama sa planong magkaroon ng broadband project sa ilalim ng administrasyong Aquino. Ngunit kailangan umanong maging transparent sa publiko ang papasuking kontrata ng pamahalaan tungkol sa proyekto, ayon kay Lozada. Idinagdag pa niya na dapat tutukan ito mismo ni Aquino at huwag basta ipaubaya lamang sa kanyang mga opisyal. -- GMA News
More Videos
Most Popular