ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Madre na may kanser sa matris, pinagaling ni Blessed John Paul II?
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
BALITANG AMIANAN â Isang araw nang mahirang na âBlessed" ang pumanaw na si Pope John Paul II nitong Mayo 1, nalaman naman ni Sister Lanie Dela Rosa ng Mother of Perpetual Help Parish sa Cabanatuan City na mayroong siyang kanser sa matris. Kumonsulta rin si Sister Lanie, 47-anyos, sa ibang doktor at doon ay nakumpirma ang peligroso niyang karamdaman. âNag-undergo ako ng operation sa ospital base sa sinabi ng duktor," kwento ni Sister Llanie dela rosa, ng Daughter of Mary Congregation sa Nueva Ecija. Matapos ang kanyang operasyon nakatakda pa sana siyang sumailalim sa chemotherapy sessions. Pero habang hinihintay niya ang pagsasailalim sa chemotherapy, sinabayan daw niya ito ng panalangin kay Blessed Pope John Paul. At nang muli siyang kumonsulta sa duktor, lumabas sa resulta na wala na ang kanyang kanser. Ang paggaling ay itinuturing ni Sister Lanie na milagro dahil sa pagdarasal niya kay Pope John Paul. Kasunod nito ay gumawa siya ng panalangin na inialay niya sa pumanaw na Santo Papa Ibinabahagi ni Sister Lanie ang ginawang panalangin sa mga may karamdaman sa paniwalang makakamtan din nila ang kaparehong himala ng pagkalinga at paggaling mula sa anumang sakit. Ayon kay Fr Oliver Mendoza ng San Fabian parish, isang biyaya ang mga dasal na siyang pinagkakalooban ng katuparan ng Panginoon. âYou are blessed when you receive miracles, just have faith and prayers sa taas," payo ni Fr Mendoza. â Balitang Amianan
More Videos
Most Popular