ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Manny Pacquiao tutok daw muna sa boksing


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Taliwas na napaulat na aasintahin ang posisyon ng bise presidente sa 2016 elections, sinabi ni Filipino boxing icon at Sarangani Rep. Manny Pacquiao nitong Sabado na nakatuon muna ang atensiyon niya sa boksing. Dumating sa Pilipinas si Pacquaio nitong Sabado ng madaling-araw matapos ang ilang araw na pamamalagi sa Amerika at Mexico para sa press tour ng laban niya sa Mexican boxer na si Manuel Marquez na nakatakdang gawin sa Nobyembre. "Tatakbo tayo pagka-gobernador sa 2013. Pero sa ngayon boxing muna," pahayag ni Pacquiao nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport. Una rito, sinabi ni Pacquiao sa isang panayam habang nasa Mexico na, "Come 2016 I am going to run (for) vice president... No more boxing at that time." Ngunit ayon kay Commission on Elections chief Sixto Brillantes, hindi pa pwedeng tumakbong bise presidente si Pacquiao sa 2016 dahil lilitaw na 37-anyos lamang siya. Kulang ito ng tatlong taon para maabot ang age limit na 40 para sa mga aspiranteng presidente at bise presidente. Isinilang si Pacquiao noong Disyembre 17, 1978. Maghintay muna Ayon naman kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte, bata pa si Pacquiao ay marapat na hintayin nito ang takdang panahon kapag pwede na siyang tumakbong pangalawang pangulo ng bansa. Sa panayam ng dzRB radio nitong Sabado, sinabi ni Valte na pagsapit ng 2022 elections ay maaari ng tumakbong vice president si Pacquiao dahil 43-anyos na siya sa taong ito. – GMA News