ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Paslit, sinakal, nilunod sa isang batyang tubig sa Pasig City
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Patay ang isang paslit sa Pasig City matapos sakalin at lunurin sa isang batya na may tubig sa palikuran ng kanilang bahay ng lalaking sinasabing pumanhik ng ligaw sa tiyahin ng batang biktima. Sa exclusive report ni GMA New reporter Emil Sumangil sa 24 Oras nitong Miyerkules, kinilala ang biktima na si Markisha Magbanua, 2-anyos ng Brgy Pinagbuhatan, Pasig City. Halos kalahating oras matapos ang karumal-dumal na krimen, nadakip naman ang suspek na si Ariel Pangarungan, 21-anyos, sa kanyang bahay sa Mapayapa compound sa nasabi ring lungsod.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âDinampot na po namin kahit hindi namin kilala kasi balisado ho ito⦠pagbaba po namin itinuro ng impormante namin," pahayag ni Councilor Roding Asilo. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing umakyat ng ligaw ang suspek sa tiyahin ng biktima na kinilalang si April Joy Galicia. Ngunit pagkaraan lang ng ilang minuto ay sinaktan na umano ng suspek ang nililigawang si Galicia. âBigla niya po akong sinuntok âdi pa siya nakuntento pinaghahampas niya pa ko ng flower vase," pahayag ni Calicia. Nakita umano ng dalawang-taong-gulang na biktima ang kaguluhan at nag-iiyak. Kasunod nito ay binitbit umano ng suspek ang paslit, sinakal ng lampin at saka nilunod sa isang batyang tubig. Todo hingi naman ng patawad ang suspek sa magulang ng biktima at idinahilang nagdilim umano ang kanyang paningin kaya nagawa ang krimen. "Hindi ko talaga sinadya ang nagawa ko, pasensya na lang po," apela ng suspek sa magulang ng bata. - FRJimenez, GMA News

More Videos
Most Popular