ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Inimbitahan sa Facebook: Dayuhang babae, ginawang sex slave sa Pinas?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA – Hiniling ng isang kongresista sa Philippine National Police at National Bureau of Investigation na alamin ang katotohanan sa alegasyon ng isang babae mula sa New Zealand na ginawa siyang sex slave nang magtungo sa Pilipinas noong Oktubre 2010. Sa isang pahayag nitong Huwebes, sinabi ni Iloilo Rep. Jerry Trenas, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na mahalagang malaman ang katotohanan sa alegasyon ni Mary Elizabeth Jones, 39-anyos. Ayon sa kongresista, masama ang magiging epekto ng alegasyon ni Jones sa imahe ng Pilipinas na nagkukumahog ngayon na maitaas ang bilang ng mga dayuhang turista sa bansa. “I'm appealing to PNP chief Director General Nicanor Bartolome and NBI Director Magtanggol Gatdula to personally supervise this investigation because this is a very serious accusation especially at a time when the entire country is still reeling from the bad PR that came in the aftermath of the bungled Quirino grandstand hostage rescue incident," pahayag ni Trenas. Batay sa kwento ni Jones na lumabas sa ilang online news sites, sinabing nagtungo ang dayuhan sa Pilipinas noong Oktubre dahil sa natanggap na imbitasyon sa Facebook na matuto ng martial arts. Dahil sa pagnanais umanong mahasa ang kanyang kasanayan sa martial arts, pumunta siya sa Pilipinas noong Oktubre 2010. Pagdating umano sa Iloilo City airport, sinabi umano Jones na sinundo siya ng isang lalaki at ninakaw ang kanyang mga gamit. Dinala umano siya sa isang kuwarto kung saan ginawa siyang sex slave. Nakasaad din sa mga lumabas na ulat na hanggang siyam na lalaki ang nakikipagtalik umano kay Jones at nagbabayad ng P5,000 bawat isa. Sinasaktan din umano siya tuwing magtatangkang tumakas at pagkaraan ay basta na lang iniwan siya na halos walang buhay sa isang kalye sa Manila. Bagaman hindi malinaw kung papaano napunta sa Manila si Jones mula sa Iloilo City, sinabi ni Trenas na mahalagang imbestigahan ito ng mga awtoridad upang hindi mangamba sa kanilang kaligtasan ang mga dayuhan na nais bumisita sa Pilipinas. “ Although the incident allegedly took place last year, I think that there's a great chance that we can still track down the perpetrators if Jone's story is true especially because it appears there was an exchange of electronic information between the victims and the suspects," pahayag ng mambabatas. -- FRJ, GMA News