ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Insidente ng suicide sa Pilipinas, pinapaimbestigahan sa Senado
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Naghain ng resolusyon si Sen Manny Villar upang hilingin sa Senate committee on youth, woman and family relation na imbestigahan ang dumaraming kaso ng pagpapakamatay sa Pilipinas na karamihan sa biktima ay mga kabataang lalaki. Sa Senate Resolution No 597, sinabi ng senador na layunin ng kanyang resolusyon na makahanap ng paraan upang matulungan ang mga taong nakararanas ng matinding depresyon na maaaring humantong sa pagkitil sa sariling buhay. Paliwanag ni Villar, marami ang hindi nakakaalam na ang depresyon ay isang uri ng sakit na maaaring malunasan sa pamamagitan ng tamang counseling at pag-inom din ng gamot. Isa sa mga inaasahan ni Villar na magiging resulta sa gagawing imbestigasyon ay ang pagtatayo ng mga depression center at support groups na maaaring puntahan o kontakin ng mga taong nakararanas ng matinding depresyon.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV âKasama na rin yung information dissemination campaign para maipaalam sa mga tao na may ganitong center na puwedeng makatulong sa kanila. At malaman din nila ang sintomas ng depresyon para makagawa ng hakbang ang mga kamag-anak ng isang taong nakarararanas nito," paliwanag ng senador. Kamakailan ay isang kaso ng murder suicide ang nangyari sa loob ng isang mall sa Pampanga kung saan sangkot sa pamamaril ay dalawang lalaki na nasa edad 13 at 16. Batay umano sa Philippine Health Statistics yearbook, sinasabing aabot sa 1,500 ang naitatalang kaso ng pagpapakamatay sa bansa. Mas marami rito ay mga lalaki kumpara sa babae. Nakasaad din sa resolusyon na ang malaking bilang ng suicide deaths sa bansa ay nasa age-group na 10 hanggang 24. Sa isang ulat ng GMA news Saksi, sinabing nasa 2.8 percent ang suicide rate sa Pilipinas noong 1998, mas mababa naman sa 16 percent rate sa buong mundo. Pero possible umanong marami ang hindi na naiuulat lalo na kung ang sangkot ay kabataan. "Marami na kasi ngayon na suicide parang impulsive behavior siya lalo na sa mga bata, ibig sabihin not necessary depressed yung bata pero usually hindi pa maayos 'yan (pag-iisip) gagawa na lang... biglaan na lang," ayon kay Dr Ivanhoe Escartin, psychiatrist, DOH. Ilan umano sa senyales ng depresyon o may suicidal tendency ay ang pagiging malungkutin, di maayos na pagkain o pagtulog, pagliban sa eskwela o trabaho, risky behavior at nagsasabi ng gusto nang mamatay. - FRJimenez, GMA News

More Videos
Most Popular