ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Sapat na suplay ng pagkain sa bansa, dapat talakayin, ayon sa obispo
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
MANILA â Iminungkahi sa pamahalaan ng isang obispo ng Simbahang Katoliko na magpatawag ng pulong ang pamahalaan para matiyak na sapat ang pagkain sa bansa. Ang mungkahi ay ginawa ni Caloocan Bishop Deogracias Iniguez, bunga na rin ng mga pangamba na magkaroon ng krisis sa pagkain sa susunod na taon at lalo pang tumaas ang presyo ng mga bilihin. Ayon kay Iniguez, chairman ng Episcopal Commission on Public Affairs ng Catholic Bishopsâ Conference of the Philippines, dapat talakayin at pag-aralan ng lahat ng sektor at mga ahensiya ng pamahalaan ang kasalukuyang sitwasyon sa suplay ng pagkain dahil na rin sa pinsalang idinulot ng mga bagyo lalo na sa agrikultura. âPag-usapan seriously those who are responsible and those who are capable of giving the right analysis and the right direction," pahayag ng Obispo sa panayam ng Radio Veritas nitong Martes. Sinabi ni Iniguez na hindi dapat balewalain ang babala ng isang malaking food company na hindi malayong magkaroon ng food riots sa Africa, Haiti at sa Pilipinas dahil sa kakulangan ng pagkain. Giit ng Obispo, panahon na para sa makatotohanang pagpapalakas sa sektor ng agrikultura ng Pilipinas na matagal na umanong napapabayaan. âOpportunity natin âyan to make use of our resources particular our agricultural resources. Not really only to give the people sufficient food today but also to prepare ourselves for the future eventuality like that food shortage," ayon sa Obispo. Sa isang panayam sa Veritas radio, inamin ni National Food Administration (NFA) administrator Lito Banayo, na kailangang umangkat na naman ng bigas ang Pilipinas para tugunan ang kakulangan ng suplay nito sa bansa. -- GMA News
More Videos
Most Popular