We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Patuloy ang paghina ng tropical cyclone Ramon (Banyan) na naging tropical depression na lamang matapos nitong mag-landfall sa Southern Leyte at sa iba pang bahagi ng Eastern Visayas at Northeastern Mindanao nitong Miyerkules ng umaga. Nagpahayag nitong 7:30 a.m. ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na mayroong maximum sustained winds si Ramon na 55 near the center at inaasahang gumalaw patungong west-northwest sa 15 kph. Sa panayam sa "News To Go" ng GMA News TV, kinumpirma ni PAGASA weather forecaster Rene Paciente ang pag-landfall ni Ramon nitong 6 a.m. sa Southern Leyte at ang paghina nito matapos tamaan ang mabulubunduking bahagi. "Lumihis ang bagyo papuntang northern Cebu matapos mag-landfall sa Leyte. Ito ay sa karagatan na ngayon," aniya. Nagbabala rin ang PAGASA na maaaring magdala si Ramon ng 10 to 33 mm per hour (heavy) rainfall sa 400-km na diamater nito. Nitong 7 a.m., tinatayang nasa 400 km west-northwest ng Calapan, Oriental Mindoro. Sa darating na Sabado ng umaga, maasahang nasa 470 km west ito ng Iba, Zambales. Ang mga nasa ilalim ng Storm Signal No. 1 ay:
Marinduque
Mindoro Provinces
Romblon
Camarines Sur
Southern Quezon
Catanduanes
Albay
Burias Island
Sorsogon
Ticao Island
Masbate
Coron Island
Samar Provinces
Leyte Provinces
Cebu
Bohol
Panay Island
Guimaras
Negros Provinces
Siquijor Island
Agusan del Norte
Surigao del Sur
Surigao del Norte
Dinagat Island
Siargao Island Pinapaalala ng PAGASA ang mga residenteng naninirahan sa mabababa at mga bulubunduking lugar na nasa ilalim ng storm signal na maging alerto sa posibleng pagbaha at pag-landslide. Pagbaha Samantala, nilikas na ang ilang mga pamilya sa Visayas at Mindanao simula pa noong Martes dahil sa patuloy na pagbaha at pag-landslide sa kanilang mga lugar, ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) nitong 6 a.m. ng Miyerkules. Ayon sa NDRRMC, ang mga lugar na binaha ay: Manaba River sa Garcia-Hernandez, Bohol; Barangays Igpit at Malanang, Opol, Misamis Oriental (knee-deep); at Zones 1, 2, 2B, at 3, Brgy Amoros, El Salvador City, Misamis Oriental; Brgy. Igpot in Opol, Misamis Oriental, at sa Cagayan de Oro City dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan. Pinahayag din ng NDRRMC ang patuloy na paghahanap sa mga mangingisda mula Misamis Oriental na kasalakuyang nawawala dahil sa masamang bagyo. "The Coast Guard is working with local fishermen, the Philippine National Police Maritime Group and the Army to find the fishermen. We hope they merely took shelter," aniya. Kasalakuyang apektado sa masamang panahon ang ilang bahagi ng Visayas at Mindanao, ayon sa NDRRMC. â Amanda Fernandez/RSJ, GMA News