We use cookies to ensure you get the best browsing experience. By continued use, you agree to our privacy policy and accept our use of such cookies. For further information, click FIND OUT MORE.
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nabahiran ng kalungkutan ang masayang 64th Charter Anniversary sa Ormoc City nang maaksidente at masawi sa skydiving ang isang 24-anyos na estudyante ng University of Sto Tomas.
Batay sa ulat ng GMA News stringer mula sa Ormoc City, hindi bumukas ang parachute ng nasawing si Loui Raymund Pestaño, matapos tumalon sa sinasakyang eroplano nitong Huwebes ng hapon. Bukod kay Pestaño, tubong Cebu at nag-aaral sa UST, Manila, inabangan ng mga Ormocanon ang exhibition ng mga professional skydiver na galing sa Cebu at isang taga- Ormoc. Pero napag-alaman na Pestaño ay hindi pa propesyunal at estudyante pa lamang bilang skydiver. Kwento ng mga saksi, pumalya at hindi bumukas parachute ng biktima at paikot-ikot itong bumulusok paibaba. Bumagsak ang kanyang katawan sa gitna ng palayan malapit sa paliparan. Hindi umano akalain ng mga residente na tao ang pinagmulan ng malakas na tunog na kanilang narinig sa lugar na pinagbagsakan ni Pestaño. Lumitaw na unang pagtalon pa lamang ito ni Pestaño bilang estudyante ng skydiving. Kasama at kasabay naman umano sa pagtalon ni Pestaño ang kanyang instructor nang maganap ang trahedya. â RCRoa/FRJ, GMA News