3 patay sa mall robbery sa Cavite; pakay na pera, natangay
Tatlo ang nasawi matapos looban ng mga armadong lalaki ang isang mall sa Dasmariñas, Cavite nitong Sabado ng umaga. Sa ulat ng pulisya, dakong 10:00 a.m. nang pumasok ng Robinson's Place mall ang mga suspek na hindi bababa sa tatlo at tinangay ang pera na dadalhin sana sa isang money changer na nasa loob din ng mall. Patay sa naturang insidente ang bank teller na si Rey Tingco, at mga security guard na sina Nelo Kinabandao at Felipe Sipres.
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV Ayon kay Cavite police head Superintendent John Bulalacao, pinag-aralang mabuti ng mga suspek ang kanilang gagawin sa mall. âTalagang yung mga magnanakaw ay na-casing yung lugar alam nila kung saan sila pupuwesto at sinubukan nilang makaiwas sa camera," ayon kay Bulalacao. Naglunsad naman ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang mga suspek. - GMA News