ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ina: Ram Revilla di pinatay ng sariling mga kapatid


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Itinanggi ng ina ng napatay na si Ramgen "Ram" Revilla nitong Miyerkules na may kinalaman ang dalawa pa niyang anak sa pagpatay sa kanilang kapatid. "May mga differences kami sa bahay namin, oo meron, pero hindi kayang gawin ng mga anak ko na patayin ang sarili nilang kapatid," ayon kay Genelyn Magsaysay na naging emosyunal sa panayam ng Balitanghali. Sinampahan ng reklamong murder at frustrated murder sina Ramon Joseph "RJ" Bautista, 18, at Ramona Bautista, 20, kaugnay sa umanoy pagpatay kay Ram Revilla at sa pagbaril sa kasintahan nito. Patay si Ram, 23, half-brother ni Sen. Ramon "Bong" Revilla Jr., matapos mabaril at masaksak sa kanyang bahay sa BF Homes Parañaque noong ika-28 ng Oktubre. Nabaril din ang kasintahan ni Ram, na si Janelle Manahan sa mukha at balikat, ngunit nakaligtas mula sa pag-atake. Pinakamatanda sa siyam na magkakapatid si Ram Revilla sa ina nilang si Genelyn. Sa isang press conference noong Martes, itinuro ng isang "star witness" na si umano RJ ang mastermind sa krimen. Kasabwat naman umano ni RJ si Ramona. Nasampahan na rin ng kaso sina Michael Altea at Roy Francis Tolisora, na inaresto na ng mga pulis. Kasalakuyan pang pinaghahanap sina Ramona at tatlo pang suspek. Si RJ naman, nasa pangangalaga na ng mga awtoridad. Sa panayam ng Balitanghali, inihayag ni Genelyn na pinalaki niya ang kanyang mga anak na maytakot sa Panginoon. "Hindi ko sila pinalaki para magpatayan, hindi ko sila pinalaki para maging bastos sila. Church kid si Ram Revilla, church kid ang mga anak ko," aniya. — Amanda Fernandez/LBG, GMA News

Tags: ramrevilla